Game na game sa tikiman… IVANA, INAMIN SINA COCO AT JOSHUA
ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 20, 2023

Mala-disney princess ang aura ng mala-Barbie doll sa ganda at kaseksihan na si Ivana Alawi nang dumating kahapon sa Studio 8 ng ABS-CBN para sa contract signing niya with Star Magic.
Sakto talaga sa tema ng contract signing na "Keep Shining Kapamilya Ivana Alawi" ang design ng stage at maging ang white laced V-neck top at pants na suot ni Ivana, na bumagay nang husto sa kanya lalo't kitang-kita ang malulusog niyang dibdib.
Feeling namin, isa na talaga si Ivana sa mga itinuturing na big stars at most important stars ng Kapamilya Channel after nitong magkamit ng Best Actress award sa Gawad Pilipino 2022 Icon Awards para sa role niya sa A Family Affair.
Imagine, present sa contract signing niya ang mga big bosses ng Kapamilya sa pangunguna nina ABS-CBN Chairman Mark L. Lopez, ABS-CBN President and CEO Carlo L. Katigbak, COO of Broadcast Cory V. Vidanes, ABS-CBN head of TV Production and Star Magic head Laurenti Dyogi, Star Magic's Alan Real at maging ang manager ni Ivana na si Perry Lansigan.

Tuwang-tuwa namang ibinalita ni Ivana na ngayong certified Kapamilya na talaga siya, excited daw siya para sa mga gagawin niyang teleserye at pelikula.
Sina Coco Martin at Joshua Garcia ang inamin niyang gusto niyang makatrabaho dahil bilib siya sa galing umarte ng dalawa.
Noon pa naman ay vocal na si Ivana na crush niya si Joshua, kaya tinanong namin ang 26-anyos na sexy actress kung paano niya nakikita ang sarili sa kissing o intimate scene with Joshua kung saka-sakali.
Pag-amin niya, basta trabaho ay game na game siya dahil nagkaroon na rin naman siya ng kissing scenes in the past with different actors na nakasama niya.
At sa tanong namin kung hindi ba siya kakabahan kay Joshua, palabang sagot ni Ivana, "Baka siya ang kabahan!"
'Yun, oh!
Samantala, wa' na raw care si Ivana sa mga nagko-comment na kaya lang siya sumisikat ay dahil todo-displey siya ng katawan sa kanyang mga vlogs at social media accounts.
Katwiran ni Ivana, hindi na niya binabasa ang mga negative comments kaya 'di siya naaapektuhan at mas pinipili na lang niya ang good vibes.
Tama naman!





Checking outhttps://news.22bet.com/predictions-for-today/ is often the first thing I do before making a decision about a wager or selecting a sports team.The influence that a hidden weapon might have on gambling on soccer is comparable to. It's the greatest of all possible worlds, and their pregame analysis manages to teach me something new every single time. Cheers to following instructions and appreciating every single moment of it!