Game na game sa fans, pero… ROMNICK, TUMAKAS, TUMANGGING MAKIPAG-SELFIE KAY BONG GO
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 13, 2023

Tulad ni Gladys Reyes, well-deserved din naman daw ni Romnick Sarmenta ang Best Actor award niya sa 1st Summer MMFF para sa About Us But Not About Us entry nila ni Elijah Canlas na mula sa direksiyon ni Jun Lana (wagi ring Best Director) at produced ng IdeaFirst production outfit nina Direk Jun at Direk Perci Intalan.
As we write this, hindi pa namin napapanood ang About Us But Not About Us kaya mas naging interesado kaming panoorin ito para magkaroon kami ng personal na basehan kung bakit at paano tinalo ni Romnick ang co-star sa movie na si Elijah Canlas at mga bidang aktor sa iba pang entries tulad nina Carlo Aquino, Enchong Dee, Gerald Anderson, Korean actor Yoo Ming Gon at maging sina Coco Martin at RK Bagatsing (na sad to say, parehong hindi nominated as Best Actor).
Pero dahil so far, wala naman kaming narinig na umapela sa barangay para sabihing luto ang pagkapanalo ni Romnick kaya siguro naman, may "K" ang aktor na maging hanggang tenga ang ngiti dahil sa kanyang tagumpay.
'Yun nga lang, nabahiran pa rin ng konting kontrobersiya ang pagkapanalo ni Romnick dahil meron kaming very reliable source (VRS) na nagpaabot sa amin ng mga naganap sa 1st SMMFF Awards Night.
Ayon sa aming VRS, kitang-kita at dinig na dinig niya kung paanong nagmamadaling bumaba ng stage si Romnick at hinabol pa ng staff ng MMDA para sabihang gustong magpa-selfie ni Sen. Bong Go sa kanilang dalawa ni Gladys.
Habang naghihintay sina Sen. Go at Gladys sa stage, naabutan ng staff si Romnick sa aisle ng theater at binulungan, pero dinedma lang umano ng aktor ang request at dali-daling lumabas.
Ang ipinagtataka raw ng aming source, kung nagmamadaling umuwi si Romnick, bakit nag-stay pa ito sa lobby ng theater para magpa-selfie sa ibang fans na bumabati sa kanya?
Well, ayaw naman daw isipin ng aming VRS na pulitika pa rin ang dahilan ng pagtanggi ni Romnick sa selfie with Sen. Bong Go, unless may personal kayang rason ang magaling na aktor?
Sana ay makuha namin ang side ni Romnick sa isyung 'yan at bukas ang BULGAR para sa kanyang paliwanag.
Tameme tungkol kay Donnalyn, pero…
JM, UMAMING ADIK SA BAGONG LABS

Alam na alam ni JM de Guzman na mapag-uusapan ang kanyang nakaraan nang minsan siyang gumamit ng illegal drugs pero tinanggap pa rin niya ang Adik Sa 'Yo movie ng Viva Films katambal si Cindy Miranda na palabas na sa April 19 sa mga sinehan.
Ang reason?
"Challenge accepted," ang katwiran ni JM, at siyempre, gusto rin niyang ma-overcome ang dark past na ito sa kanyang buhay, na until now, hindi pa rin daw natatapos ang proseso dahil tuloy pala ang kanyang medication at pagkonsulta sa kanyang mga doktor sa loob ng rehabilitation para masigurong hindi na niya babalikan ang paggamit ng ilegal na droga.
Ang good news na nalaman namin kay JM sa mediacon kahapon ng Adik Sa 'Yo, kung naaadik man daw siya ngayon, 'yun ay sa pagmamahal sa bago niyang pag-ibig, na bagama't hindi niya pinangalanan at idinaan niya lang kami sa kanyang "nakakaadik" na mga ngiti, maingay na maingay naman na ang singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome ito.
Pag-amin pa ni JM, sa sobrang adik niya sa pagmamahal, nagawa niyang mangharana sa bagong apple of the eye niya with matching speakers na dala-dala sa labas ng bahay, hahaha! Buti na lang at pinapasok naman siya sa bahay ng girl kaya 'di dyahi ang pag-eksena niya sa labas. Nyahaha!
Si Cindy naman, bagama't isang beauty queen, nagawa raw maghabol sa kanyang ex-BF na nang-iwan sa kanya sa sobrang pagkaadik sa pagmamahal dito. Ang masakit, kahit nag-effort na siya, wa' epek dahil iniwan pa rin siya ng guy kaya grabeng brokenhearted talaga siya.
Buti na lang, with the support of her family and friends, eh, 'di naman niya naisipang mag-adik sa droga.
Anyway, kahit first time magtambal nina JM at Cindy sa Adik Sa 'Yo, may chemistry pala sila at may kilig din naman kaya watch n'yo na ang movie sa April 19 nang maka-relate sa sinasabi namin.
Kasama rin sa cast ng Adik Sa 'Yo sina Candy Pangilinan, Nicole Omillo, Andrew Muhlach, Mayton Eugenio, Minnie Aguilar at si Meg Imperial.
Mula ito sa direksiyon ni Nuel Naval na nagdirek ng Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach.





Comments