Game na game na! LIZA, UMAMING MAY DONOR NA PARA MAGKA-BABY SILA NI ICE
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 24, 2022

Finally, nakaharap muli ni Film Development Council of the Philippines CEO and Chairperson Liza Diño-Seguerra ang entertainment press sa onsite media conference para sa ika-anim na Film Ambassador’s Night na magaganap sa Linggo (Pebrero 27) sa Metropolitan Theatre sa Manila.
Kita at dama ang excitement ni Chair Liza na makaharap muli nang personal ang mga kaibigang entertainment press. Dahil sa pandemya, palaging sa Zoom conference na lang namin siya nakakausap. At pati na ang special events nila gaya ng Film Ambassador’s Night na isa sa grandiyosong proyekto at brainchild ni Chair Liza ay ginanap via online for the past two years.
Ang selebrasyon ng 2022 Film Ambassador’s Night ay nagbabalik bilang isang eksklusibong in-person event para sa mga honorees on Sunday.
Ang taunang FAN ay isang gabi ng pagtitipon at pagdiriwang ng mga film workers at artists simula pa nu’ng 2016 sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts (NCAA).
Sa ginanap na mediacon ay inanunsiyo ng FDCP ang mga pangalan ng mga gagawaran ng special awards, ang Camera Obscura Artistic Excellence Award para sa bidang aktor ng On The Job: The Missing 8 na si John Arcilla at ang Gabay ng Industriya Award para kay Rosa Rosal (Ilaw ng Industriya Award) at producer na si Jesse Ejercito (Haligi ng Industriya Award).
“It is our great pleasure to be able to showcase some of our industry’s most esteemed, most creative and most talented minds. We’ve always been saying that it is the people who build this industry and it is with utmost pride that we honor Ms. Rosa Rosal, Mr. Jesse Ejercito, Mr. John Arcilla and all the people behind OTJ Missing 8 as some of the paragons of Philippine cinema,” pahayag ni Chair Liza.
Pararangalan din sa FAN 2022 ang 77 honorees na mga pelikula, filmmakers at mga aktor na kinilala sa iba-ibang international film festivals last year.
After ng presscon, nagpaunlak ng interbyu sa amin si Chair Liza. At ‘di pa man siya nakakaupo ay knows na niya kung ano ang mga itatanong namin.
Tinanong namin siya kung buntis na ba siya dahil medyo nagkalaman ang kanyang katawan.
“Hindi! I wish! Hahaha! Pero hindi, taba talaga siya,” paglilinaw ni Chair Liza.
Bilang appointee ni President Rodrigo Duterte, malapit na ring matapos ang term ni Chair Liza sa FDCP. Ito na kaya ang pagkakataon na matupad na ang long-standing request ng partner niyang si Ice Seguerra na magka-baby na sila?
“Oo naman,” ngiti niya. “Sana, I hope this is the year. Ang hirap, eh, nauudlot kapag ano, eh.”
Ang pagbubuntis daw ng baby nila ni Ice ang una niyang haharapin once she stepped down from her office.
“Time for family. Time for my husband. Time for Amara (her 13-year-old daughter). Hindi na ako bata. Inabot na tayo ng ilang ano, kita mo tumaba na ako,” biro niya.
Sana raw ay ma-process na ang mga kailangan nilang gawin para makapag-in vitro fertilization na sila.
“Meron na kaming donor, ‘di ba? Kailangan na lang magtagpo. Kailangang magtagpo nu’ng donor at nu’ng mismong… kailangan ‘yung phase nu’ng process ng IVF.”
Either from the US, dadalhin sa Malaysia ‘yung sperm ng donor nila para ma-fertilize sa frozen egg ni Ice para maging embryo siya. Or kung hindi sa Malaysia, ‘yung egg ni Ice ‘yung dadalhin sa US for the process.
Sila raw ang pumili ng donor based sa profile nito. Hindi raw name ng donor ang nakalagay sa pagpipilian kundi number.
“Kailangan Caucasian para matangkad. Irish-German siya. Uh, siguro below 30s. Walang name ‘yun, eh. Normally, number siya, eh. Halimbawa, donor 12345, ganyan. Pero nakalagay doon ‘yung background niya.
“Ano siya, Berkeley (University of California) grad. Music ang major. At… nagluluto. Hahaha!”
Natawa si Chair Liza dahil mahilig siyang magluto and si Ice naman ay singer.
“Excited ako! Saka hindi na talaga ako bumabata. The more na tumatanda ka, mas nagiging high risk, ‘di ba? So, kailangan na talaga siyang mangyari.
“Ako ‘yung surrogate, ‘di ba? Kaya siya ano, eh, kung ano lang, if we just get another surrogate, it could have been easier. Pero ako ‘yung surrogate.
“So, kailangan siyang naka-fix, kailangan siyang maging akma. Although, ‘yung work-up sa akin, okey na ako.
“I mean, I’m healthy. I’m fit to carry. So, tsinek na ‘yung ano ko, yes, healthy naman ako (sabay hawak niya sa mga braso niya na tumaba). Kung fit pa rin ako na mag-carry, okey naman."
Keri pa rin naman daw niyang magtrabaho kahit buntis.
Gusto raw nila ni Ice na gender-neutral ang name ng magiging baby nila, 'yung puwede sa babae, puwede rin sa lalaki.
Isang malaking challenge raw sa kanila ni Ice ang kailangan nilang pera sa pagkakaroon ng baby.
“Kaya nga siguro na-delay nang na-delay. Kasi, right now, we’re just running with one income, ‘di ba? Si Ice, of course, may mga savings naman siya, pero hindi siya katulad dati na hindi ko iniisip ‘yung saan tayo kukuha ng pambayad sa bahay namin and all. Ngayon, lahat ‘yun has to be put into consideration lalo pa hindi regular ‘yung income ni Ice. Although sa akin, suwerte ko na nga lang naging part ako ng government. Kahit paano, may nagagastos. Ang hirap.”
Dasal ni Chair Liza ay matuloy na ang pagkakaroon nila ng baby ni Ice this year.
“Eto na naman tayo kapag ikaw ang kausap ko, hindi natutuloy, eh. 2018 pa lang, ‘yan na ang usapan namin. Limang taon na,” tsika ni Chair Liza sa amin.





Comments