Game na game kay Boyet dahil na-miss... VILMA, MAY KONDISYON BAGO MAKASAMA SI NORA
ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 31, 2023

Tuwang-tuwa ang nag-iisang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto nang muling makaharap ang entertainment press para sa contract signing nila ng kanyang ultimate leading man at good friend na si Christopher de Leon for their reunion movie project, ang When I Met You In Tokyo na ginanap kahapon sa Okura Hotel.
Diretsahang sinabi ni Ate Vi na among all the offers sa kanya para magbalik-pelikula, working with Yetbo (tawag niya kay Boyet de Leon) ang pinili niya dahil una, na-miss daw niyang makatrabaho ito since ang last movie nila together ay Dekada '70 pa nu'ng year 2002.
Pangalawa, dahil aminado si Ate Vi na may takot siya at nangangapa sa kanyang muling pag-arte dahil 7 yrs. ago na raw nu'ng huli siyang lumabas sa pelikula (Everything About Her with Angel Locsin and Xian Lim), komportable siyang katrabaho si Boyet at alam niyang aalalayan siya.
Sabi nga ni Ate Vi, pagbukas pa lang ng bibig niya, alam na ni Boyet ang sasabihin dahil ganu'n na nila kakilala ang isa't isa.
In fact, nu'ng ipinaalala ni Tito Lhar Santiago of GMA-7 na Tag-Ulan sa Tag-araw ang first film na ginawa nila nu'ng 1975, nagbilang pabalik si Ate Vi kung gaano na sila katagal magkatrabaho ni Boyet, at 'yun nga, 48 years na pala mula nang una silang magsama sa movie.
Kaya sa three-week shooting daw nila sa Japan kung saan lilipad na sila sa Sabado para mag-start ng filming ng When I Met You In Tokyo, si Sir Boyet daw ang magiging associate director ni Ate Vi.
Sobrang kampante na nga siyang katrabaho si Boyet na in their 48 yrs. na magkasama, never daw silang nagkatampuhan o nag-away. 'Yun din siguro ang kagandahan na hindi sila nagkaroon ng romantic relationship dahil walang mga expectations and all that na kaakibat ng pagkakaroon ng relasyon.
Anyway, dahil nagbabalik-pelikula na nga si Ate Vi, natanong din namin kung tuluy-tuloy na ito.
Meaning, may mga kasunod na nga ba siyang gagawin after When I Met You in Tokyo?
Pag-amin niya, may naka-line-up na rin siya with Direk Erik Matti, pero depende pa rin daw kasi sa story, lalo't kino-consider na rin siyempre niya 'yung role na babagay sa kanyang edad.
Same thing ang sagot ni Ate Vi sa tanong namin kung posible rin kayang magsama-sama sila sa isang pelikula nina Boyet, Nora Aunor at Tirso Cruz III.
Inamin kasi ng producer na si Joed Serrano na may plano siyang muling pagsamahin sa movie sina Ate Vi at Ate Guy na ang naiisip daw niyang title ay Mare. Kaya nga naitanong na rin namin kung posible bang makasama rin nila sina Boyet at Tirso.
Foursome, ganern!
At ang sagot nga ni Ate Vi, willing naman daw siya at magandang idea nga 'yung apat sila sa isang pelikula dahil never pang nangyari 'yun.
Pero ang kondisyon lang niya, dapat ay perfect script na talagang babagay sa kanilang apat ang roles at ang kuwento dahil hindi na nga naman sila mga bata at ayaw naman niyang maasiwa ang audience sa kanila.
Well, very much willing naman ang producer ng When I Met You In Tokyo na si Ms. Rowena of JG Productions na i-produce kung saka-sakali ang kasunod na movie nina Ate Vi, Ate Guy with Boyet at Tirso, kaya sana, may magandang script talagang mabuo para sa kanilang apat.
Samantala, ang susulat ng kuwento ng When I Met You In Tokyo ay si Suzette Doctolero of GMA-7, habang sina Direk Rado Peru at Rommel Penesa ang magdidirek ng reunion movie nina Ate Vi at Sir Boyet.





Comments