top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Galvez, kung hindi korup bakit hindi agad isinapubliko ang mas murang presyo ng bakuna?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 25, 2021
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 25, 2021



KUNG HINDI KORUP SI GALVEZ, BAKIT ANG TAGAL NIYANG NANAHIMIK SA PRESYONG P3,629.50 NG SINOVAC?—Idinepensa ni P-Duterte si vaccine czar, ret. Gen. Carlito Galvez sa alegasyon ng korupsiyon sa pagbili ng bakuna.


Aniya, handa niyang ipusta ang kanyang presidency o pagiging presidente para patunayang hindi tiwali ang retiradong heneral.


Ganun? Bakit ang tagal nanahimik ni Galvez sa pambabatikos ng publiko sa iprinesyo nilang P3,629.50 kada dose ng Sinovac vaccine na made in China, at saka lang nila inaming P650 ang totoong presyo nito nang isapubliko ng Indonesia na P650 lang kada dose pagkakabili nila ng bakunang ito sa China? Buwisit!


◘◘◘


SAAN NAPUNTA ANG SANGKATERBANG INUTANG NG DUTERTE GOV'T.?—Ayon kay P-Duterte, nang manalasa na ang COVID-19 sa mundo ay agad daw niyang tinawagan si Chinese Pres. Xi Jinping para bigyan ng bakuna ang Pilipinas dahil walang resources ang kanyang gobyerno.


Walang resources? Eh, saan napunta ang sangkaterbang inutang ng Duterte gov't. sa World Bank, International Monetary Fund (IMF) at sa iba't ibang bansa? Boom!


◘◘◘


MGA MAG-AARAL NA HINDI AKTIBISTA, BAKA MA-MISTAKEN IDENTITY AT PARATANGANG KOMUNISTA—Sabi ni Gen. Antonio Parlade, spokesman ng NTF-ELCAC (National Task Force-End Local Communist Armed Conflict) hindi lang daw ang UP (University of the Philippines) ang pinagkukutaan ng mga komunista, kundi pati ang 18 pang unibersidad sa Metro Manila.


Sino kaya ang tinutukoy niyang mga komunista, 'yun kayang mga aktibistang estudyante na nambabatikos sa korupsiyon, kapabayaan at pagiging abusado ng ilang opisyal ng pamahalaan?


Delikado ang pinagsasabi ni Gen. Parlade kasi baka pati ang mga kabataang mag-aaral na hindi aktibista sa mga tinutukoy niyang unibersidad ay ma-mistaken identity, biglang damputin at paratangang komunista, period!


◘◘◘


MGA KOMUNISTA NASA BUNDOK AT WEST PHILIPPINE SEA, WALA SA UP—Ayon sa COA (Commisison on Audit), higit P3.08 billion intelligence fund ang naubos ng Department of National Defense noong 2019.


Sa kabila na ganyan kalaki ang intel fund ng tanggapan ni DND Sec. Delfin Lorenzana ay ang hina naman ng kanilang intelligence network kasi sa UP sila naghahanap ng komunista, gayung ang mga Pinoy na komunista ay mga nasa bundok at ang mga Chinese na komunista ay nasa WPS (West Philippine Sea), boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page