top of page
Search
  • BULGAR

Galvez, engot sa Math pinakamura raw ang Sinovac, ngek!

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 15, 2021



BAKA MASIBAK SI FDA CHIEF ERIC DOMINGO—Aprub na sa FDA (Foods and Drug Administration) ang bakunang Pfizer, pero ang Sinovac ay hindi pa.


Hindi kaya masibak sa puwesto si FDA Director General Eric Domingo kasi todo-pagtatanggol sina P-Duterte, Vaccine czar Gen. Carlito Galvez, Health Sec. Francisco Duque at Presidential spokesman Harry Roque sa Sinovac tapos hindi agad inaprub ito, at sa halip, ang inaprubahan ay ang Pfizer, boom!


◘◘◘



PRESYO NG SINOVAC SA ‘PINAS P3, 629.50, SA INDONESIA P682.75 LANG?—Ang isa sa mga bansang bumili ng Sinovac ay ang Indonesia, at ang pagkakabili nila sa bakunang ito ay RP 200,000, na ang katumbas sa Philippine money ay P682.75.


Kung totoo na ganyan lang ang presyo ng pagkakabili ng Indonesia sa Sinovac, aba’y dapat imbestigahan ‘yan ng Kongreso at Senado, kataka-takang P681 lang per dose ang bili ng Indonesia, tapos ang presyo sa Pilipinas ay P3, 629.50, period!


◘◘◘


BAGSAK YATA SA ARITHMETIC SI GALVEZ—Sabi Galvez, kaya um-order sila ng milyun-milyong bakuhang Sinovac na made in China ay dahil mababa ang presyo nito kumpara sa ibang brand ng COVID-19 vaccines.


Bagsak siguro sa Arithmetic si Galvez kasi mas nabababaan siya sa presyo ng Sinovac na P3,629.50 kaysa sa Pfizer na gawang Amerika na P2,379 at AztraZeneca na P610 lang ang presyo, boom!


◘◘◘


HINDI KAYA ‘PERYA NG BAYAN’ ANG SANHI NG PAGTAAS NG BILANG NG NAGKA-COVID-19 SA CAVITE?—Sa data ng DOH nitong Enero 13, 2021, ang Cavite ang nag-top sa mga lalawigang may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 kasi sa loob lang ng isang araw ay 66 katao ang nagka-virus dito.


Noon ay pababa na ang bilang ng mga nagkaka-COVID-19 sa Cavite, pero mula nang mag-operate ang “Perya ng Bayan” nina “Mr. Yap” at “Manalac” ay biglang tumaas ang bilang ng mga tinatamaan ng virus.


Kung nais ni Gov, Jonvic Remulla na bumaba ulit ang mga tinatamaan ng virus sa kanyang nasasakupan, dapat ipatigil na niya ang “Perya ng Bayan” kasi sa totoo lang, sa ganyang uri ng sugal ay hindi maiiwasang magkaroon ng contact ang kubrador at mananaya, period!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page