Galit sa mga pulitikong magnanakaw…"‘PAG MAY HISTORY NG PAMBUBUDOL, NEVER FORGET TAYO" — ANGELICA
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 13, 2022

Muling pinahanga ni Angelica Panganiban ang mga netizens sa ikalawang video na inilabas niya tungkol sa mga kandidatong mambubudol, scammer at magnanakaw ngayong halalan.
This time, ang narrative ng video niya ay sa mga nagpe-fake bookings sa mga apps. May mga nag-o-order daw ng buong menu pero 'di na mahanap pagkatapos. Ang iba naman ay online sellers na nanghihingi agad ng down payment bago i-deliver ang order at pagkatapos ay iba-block ka na.
“Kaya ako, one strike, one rule lang talaga ako. Wala ako sa mga kembak (comeback)-kembak na ‘yan. ‘Pag may history ng pambubudol, never again. Never forget tayo,” sabi ni Angelica.
Kaya ngayong eleksiyon daw ay dapat maingat sa mga scammers.
Sey pa ni Angelica sa video, “Naglipana ‘yan. Iwasan natin ‘yung mga nangangako ng gold.
Mambubudol ‘yan. Huwag na tayong pauto at por diyos por santo, huwag bumoto ng magnanakaw. Cheers.”
Reaksiyon ng mga netizens…
“Love you, Angge... very, very true."
“Angelica just did it again. Clap, clap, Angge! Love it.”
“Good one, Angge!”
“Sigurado, gagawan na naman 'yan ng ka-cheap-an version ng baklang kanal, hahaha!”
Marahil, ang tinutukoy ng netizen na "baklang kanal" ay si Juliana Parizcova na gumawa ng parody sa naunang video ni Angelica sa direksiyon ni Darryl Yap.
“With Angge’s new video, it seems that Darryl Yap needs to work 18 hours today just to produce a cheap copycat.”
Ipinost ni Bianca Gonzalez sa Twitter ang video ni Angelica. May netizen na nag-comment na tuwang-tuwa raw ang Kapamilya host na nag-resign na si Toni Gonzaga sa Pinoy Big Brother as main host.
“Meanwhile, Bianca, tuwang-tuwa na na-cancel si Tony G. kasi tumaas na siya. Kunwari, sumisimpatya pero thankful pala... Hahaha!”
Ipinagtanggol naman ng ibang netizens si Bianca sa kanyang basher.
“May isa na namang taong 'di nakakain ng masarap na inihain sa lamesa. 'Wag mong itulad sa 'yo si Bianca.”
Pinuri rin si Angelica on how she delivered her lines sa video.
“I just love how Angelica strikes back and targeted the candidates and not the people. Ayun ang pinagkaibahan nila. 'Yung isa, insensitive troll na pinroprotektahan ang kandidato, pero ito, alam mong sa mga tao talaga siya concerned."
“MAPANG-ASAR 'yung CHEERS ni Angelica. No one can come closer to Angelica Panganiban.
Galing mo, beb! WALANG manggagaya, ha, ang MANGGAYA AY MAGNANAKAW.”
So there.





Comments