Galit na galit kay Panelo na kumanta ng song niya… GLADYS KAY SHARON: 'DI KA NA NAMIN MASAKYAN 'TEH
ni Nitz Miralles - @Bida | March 16, 2022

Galit ang mga fans ni Sharon Cuneta kay Gladys Guevarra dahil sa naging pahayag ng huli patungkol sa Megastar at sa naging isyu ni Sharon kay Atty. Salvador Panelo.
Kung anu-ano ang itinawag kay Gladys ng mga nagalit sa kanya, pero sanay naman na si Gladys ma-bash, kaya hindi na natinag.
Sabi ng mga fans ni Sharon, hindi nila kilala si Gladys at nagpapapansin lang daw. Ang sagot ni Gladys sa galit ng fans ni Sharon, kantahin daw ang song nila ni K Brosas na Sasakyan Kita. May mahabang post pa si Gladys para kay Sharon.
“Kung gusto mo, Mega, kantahin mo rin, namnamin mo 'yung lyrics, kasi kabaligtaran ang nararamdaman ng tao sa 'yo nu'ng nagalit ka ru'n sa senator na kumanta ng kanta mong sinasabi mo na dapat, ipinaalam sa 'yo eh... Gosh! 'Di ka na namin MASAKYAN, 'teh!”
Nagpasalamat naman si Atty. Panelo kay Gladys at sabi, “Thank you Chuchay! God bless you and your little angels in the family.”





Comments