top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Galing Sa Mabait, may panalo sa Condition Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2022
2 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | January 08, 2022



Magtatagisan ng bilis ang limang tigasing kabayo sa Condition Race (24) na ilalarga sa unang karera ngayong araw sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.


Posibleng makakuha ng malaking suporta sa mga karerista ang kalahok na Galing Sa Mabait na sasakyan ni jockey JV Ponce sa distansyang 1,200 meter race.


Ayon sa ibang mga karerista, inaasahang magpapakita ng magandang laban si Blue Label na rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Patty Ramos Dilema. "Kahit lima lang silang tatakbo magandang laban pa rin ang mapapanood kasi mga de kalidad ang mga tatakbo at balanse ang line up," saad ni Manny Villegas.


Ang ibang kalahok ay sina Marino Ng Tanglaw, A Song For Gee at Rosario Princess.


Bakbakang umaatikabo rin ang masisilayan sa pangalawang karera kung saan 7 kabayo ang maglalaban sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System.


Magbabanatan sina My Dear Magnolia, Light And Shade, Seven Of Diamonds, Speedy Chase, Caraga Wonder, Captain Sully, Antonio Delamugis.


Samantala, makikilatis ang tikas ng pambato ng Bell Racing Stable na sina Beli Bell at Indy Bell na sasabak sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System Race.


Magsasanib-puwersa sina Beli Bell na sasakyan ni dating PSA-JoY awardee Jonathan Hernandez at Indy Bell na rerendahan ni class A rider Mark Angelo Alvarez.


May distansiyang 1,400 meter race, makakalaban nina Beli Bell at Indy Bell sina Calle Loreto, Prime Time Magic, Easy Landing, Stripe Of Pink at One Fifteen.


Komento ng ibang mga karerista, sina Easy Landing at Stripe Of Pink ang magiging mahigpit na karibal nina Beli Bell at Indy Bell sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).


Paglalabanan ang P25,000 added prize na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang may karagdagang P5,000 ang kukubrahin ng winning horse owner.


Pitong races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw ng Sabado.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page