Search
  • BULGAR

Galing sa kita sa YouTube… IVANA, P3 M CAR ANG X-MAS GIFT SA MADIR

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 13, 2021




Milyones ang kinikita ni Ivana Alawi sa kanyang YouTube channel na mahigit 10 million na ang subscribers.


Kaya naman, naipagpatayo na niya ng malaking bahay ang kanyang ina at nabilhan na rin ng residential lot sa isang subdivision ang kanyang kapatid na lalaki.


Plano rin ni Ivana na ibili ng property ang bunsong kapatid na si Mona Louise na dati ring child star sa GMA Network.


Noong Pasko, may bonggang Christmas gift si Ivana sa kanyang mudra. Isang brand new na Expedition worth more than P3 million!


Idinaan sa prank ni Ivana Alawi ang lahat kaya talagang nasorpresa at naiyak sa tuwa ang kanyang mom sa ibinigay niyang Christmas gift. Pangako pa ng sexy star-vlogger, ibibili rin niya ng sasakyan ang dalawang kapatid kapag nakaipon siya ulit mula sa kita ng kanyang You Tube Channel.


Ang kanyang pamilya ang top priority ni Ivana Alawi. Ayaw muna niyang magpakaseryoso sa kanyang lovelife. Lahat daw ng kanyang ginagawa at pagsisikap sa kanyang career ay para sa kanyang pamilya. At sisiguraduhin niyang magiging maganda at stable ang future ng kanyang mom at dalawang kapatid.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.