Galing sa China at Malaysia... P600K ‘di rehistradong mantika, nakumpiska
- BULGAR

- Nov 6, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 6, 2021

Tinatayang nasa P600,000 halaga ng hindi rehistrado na imported na mantika ang nakumpiska ng mga awtoridad sa San Fernando, Pampanga.
Ang mga gallon ng palm oil na sinasabing mula sa China at Malaysia ay natagpuan na naka-stock sa isang warehouse.
Napag-alaman na ibinibenta umano ang mga naturang produkto sa ilang palengke, kahit pa hindi ito rehistrado mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Gayunman, ang caretaker ng warehouse ay inaresto na ng mga awtoridad. Subalit, itinanggi naman nito at sinabing hindi niya alam na ang mga produkto ay unregistered sa FDA.








Comments