top of page
TEKA NGA - DIREK DARRYL, SHOCKED NA MAGALING UMARTE AT MATALINO SI SARAH_FB Circulated.jpe
Search

ni Chit Luna @News | October 8, 2026



Pinayagan ng US Food and Drug Administration (FDA) ang 20 ZYN nicotine pouch products na gumamit ng modified-risk claim na nagsasabing mas mababa ang panganib ng ilang sakit kung gagamitin ang mga ito bilang kapalit ng sigarilyo.


Sa Modified Risk Tobacco Product orders na inilabas noong June 30, pinayagan ang PMI US na gamitin para sa mga awtorisadong produkto ang claim na: “Using ZYN instead of cigarettes puts you at a lower risk of mouth cancer, heart disease, lung cancer, stroke, emphysema, and chronic bronchitis.”


Ito ang unang pagkakataon na nagbigay ang US FDA ng modified-risk orders para s us uhh y⁶⁶5⁵5⁶a nicotine pouch products.


Saklaw ng desisyon ang 20 ZYN products na gawa ng Swedish Match USA, isang subsidiary ng Philip Morris International. Nauna nang nabigyan ng US FDA marketing authorization ang mga ito noong January 2025.


Nilinaw na ang modified-risk order ay para lamang sa mga partikular na produktong sinuri at sa eksaktong claim na inaprubahan ng ahensya. Hindi ito awtomatikong naaangkop sa lahat ng nicotine pouch products.


Dahil sa desisyon, ZYN ang naging unang nicotine pouch product na nakatanggap ng Modified Risk Tobacco Product orders mula sa US FDA.


Ayon kay PMI US CEO Stacey Kennedy, mahalaga ang desisyon upang mabigyan ang mga adult nicotine consumers ng impormasyon tungkol sa relative risks ng mga produkto.


“FDA’s decision is an important moment for the more than 45 million legal-age nicotine consumers in America,” said Kennedy. “Today’s news ensures these adults have access to accurate, science-based information, including FDA-authorized evidence that switching from cigarettes to ZYN reduces the risk of smoking-related diseases like heart disease and lung cancer.”


Sinabi ng US FDA na dumaan sa malawak na scientific review ang aplikasyon. Kabilang sa sinuri ang risks ng mga produkto kumpara sa sigarilyo, pag-unawa ng consumers sa claim, posibleng paggamit ng kabataan at ang mas malawak na epekto nito sa public health.


“FDA’s review of modified risk products is intended to ensure that adult users have clear, science-based information about the relative harms of tobacco products, so they can make informed choices,” said Bret Koplow, Ph.D., J.D., acting director of the FDA’s Center for Tobacco Products.


“Today’s decision allows these products to be marketed with a modified risk claim that informs adults who smoke about the lower risks associated with these products," he added.


Matapos ang pagsusuri, sinabi ng FDA na “the specific modified risk claim is scientifically accurate with respect to these ZYN products, that consumers understand the claim, and that marketing the products with the claim would benefit the population as a whole.”


Limang taon ang bisa ng authorization at kailangan ang patuloy na market monitoring.


Sinabi ng FDA na maaari nitong bawiin ang mga order kung makitang tumataas ang paggamit ng mga produkto sa kabataan o kung hindi na naaayon sa public health benefit ang patuloy na marketing ng mga ito.


Binigyang-diin din ng ahensya na hindi dapat magsimulang gumamit nito ang mga hindi gumagamit ng tobacco products at nananatiling pinakamainam para sa adult smokers ang tuluyang pagtigil sa paggamit ng lahat ng tobacco at nicotine products.

 
 

ni Chit Luna @News | May 1, 2024



Sinuportahan ng mga grupo ng konsyumer sa Pilipinas ang komentaryo ng U.S. Food and Drug Administration Center for Tobacco Products (FDA-CTP) na nagsabing ang mga produktong Smoke-free ay may mas mababang panganib sa kalusugan kaysa sa sigarilyo.


Ang komentaryo ng FDA-CTP, na may pamagat na "Nicotine e-cigarettes: Considerations for healthcare providers," ay nagsabi na ang mga smoke-free alternatives tulad ng e-cigarettes, ay karaniwang may mas mababang panganib sa kalusugan.


Binanggit nito ang datos ng U.S. National Academies of Sciences, Engineering and Medicine (NASEM) na naghayag ng katibayan na ang paglipat mula sa sigarilyo sa e-cigarette ay makakabawas sa pagkakalantad ng isang tao sa nakakalasong carcinogens na matatagpuan sa usok ng tabako.


Si FDA-CTP Director Brian King, ang isa sa may akda ng komentaryo, ay inilathala ng Nature Medicine, isang peer-reviewed medical journal.


Ikinumpara nito ang mga panganib ng iba't ibang produktong tabako.


Ang iba pang may-akda ay sina Dr. Benjamin A. Toll ng Medical University of South Carolina Department of Public Health Sciences at Dr. Tracy T. Smith ng Department of Psychiatry and Behavioral Sciences.


Nabanggit ng komentaryo ang mga maling pananaw ng mga manggagamot at iba pang mga propesyonal sa kalusugan ay maaaring humantong sa pagpapayo ng mali sa mga pasyente.


Sinabi nito na ang maling pang-unawa ng mga doctor ay maaaring makapigil sa mga naninigarilyo na ganap na lumipat sa e-cigarette.


Ayon sa komentaryo, dapat isaalang-alang ng mga medikal na propesyonal ang pagtuturo sa mga pasyente tungkol sa panganib ng mga produkto ng tabako at ang potensyal na benepisyo sa kalusugan ng ganap na paglipat sa may mababang panganib na produkto.


Ayon kay Anton Israel, presidente ng Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP), ang komentaryo na isinulat mismo ng FDA-CTP chief ay nagpapatunay na ang mga smoke-free products tulad ng vape, heated tobacco at nicotine pouch ay nagdadala ng mas mababang panganib kaysa sa tradisyonal na mga sigarilyo.


Sinabi ni Israel na ang mga smoke-free alternatives na ito ay hindi nagdudulot ng usok na naglalaman ng libu-libong nakakapinsala at potensyal na nakakapinsalang kemikal.

Sinabi naman ni Joey Dulay, presidente ng Philippine E-Cigarette Industry Association (PECIA), na ang mga tobacco harm reduction (THR) products ay maaaring makatulong sa milyun-milyong Pilipinong naninigarilyo na nasa hustong gulang na talikuran na ang sigarilyo.


Halos isang milyong dating naninigarilyo sa Pilipinas ang huminto na sa paninigarilyo, ani Dulay.


Sinabi pa niya na ang Kongreso ng Pilipinas mismo ang kumikilala sa papel ng mga smoke0free products sa pagbibigay ng mga alternatibo sa mga Pilipinong naninigarilyo sa ilalim ng Vape Law na ipinasa noong 2022.


Si Dr. Lorenzo Mata Jr., isang doktor, ay nanawagan din sa mga kapwa medikal na propesyonal na isaalang-alang ang bigat ng pinakabagong komentaryo ng FDA-CTC.


Aniya, dapat tingnan ang mga siyentipikong katotohanan tungkol sa THR at pag-aralan kung paano ito makatutulong sa milyun-milyong Pilipino na huminto sa paninigarilyo.


Binigyang-diin ng komentaryo na hindi dapat gumamit ng anumang uri ng produktong tabako ang kabataan.


Sa mga nasa hustong gulang na naninigarilyo, binanggit nito ang kahalagahan ng paggamit ng mga pamamaraan ng pagtigil na nakabatay sa ebidensya.


 
 

ni Madel Moratillo | June 17, 2023




Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko laban sa sikat na laruang lato-lato.


Sa inilabas na Public Health Warning Advisory ng FDA, nakasaad na hindi ito dumaan sa kanilang pagsusuri. Kaya naman maaari itong magdulot ng banta sa kalusugan.


Maaari umanong ang mga sangkap ng laruan ay hindi angkop na maging laruan ng bata. Nagbabala rin ang FDA sa posibleng injury dahil sa paglalaro nito.


Babala naman ng toxic watchdog group na Ban Toxics, delikado ang lato-lato dahil puwede itong maka-choke, magdulot ng eye-injury, o makasakal dahil sa tali nito.


Ayon sa grupo, ang lato-lato ay banned na sa Estados Unidos, United Kingdom, at Canada dahil sa safety hazards at mataas na panganib sa mga bata.


Nanawagan naman si Thony Dizon, ng BAN Toxics, na huwag nang ibenta ang laruan na ito malapit sa mga eskuwelahan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page