Galing na raw sa Palasyo… SEN. IMEE, 'DI NA EXCITED NA BALIK-M'CANAÑG
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | June 28, 2022

Excited ang mag-amang Vic Del Rosario Jr. at Vincent Del Rosario III sa ongoing project nilang Maid in Malacañang na ididirek ni Darryl Yap dahil muling makakatrabaho ng una si Senator Imee Marcos.
Sa nakaraang virtual mediacon ng Maid in Malacañang ay dumalo sina Boss Vic at Vincent at nagpakita ng tuwa dahil tiyak na magiging memorable ang pelikulang ito para sa mga hindi nakakaalam kung ano talaga ang nangyari sa last three days ng pamilya Marcos sa Malakanyang.
Bago nagsimula ang mediacon ay nagbalik-tanaw si Boss Vic sa nakaraan nila ni Senadora Imee.
Aniya, “I want to thank Senator Imee (Marcos) in front of the press for all the help she’s done in the industry from the 70’s up to today. Magkasama kami niyan sa Metro Pop na actually, siya ang nag-organize. Doon sa unang Metro Pop pa lang ay nakilala na sa buong mundo ‘yung kantang Anak (ni Freddie Aguilar).
“Senator Imee was really behind that festival on how to promote the Original Pilipino Music and after nu'n, itinayo namin ‘yung Cecil Awards (1982), pinaka-local Grammy sa Pilipinas na siya rin ang nag-push na ng pangalan at ibinigay noon kay Cecil Lloyd na pinakamagaling nating mang-aawit noong panahon (niya).
“I hope we can continue that again, Senator Imee, and of course, ‘yung pagiging head niya sa Experimental Cinema of the Philippines na nagawa ‘yung mga classic movies like Himala at Oro Plata Mata. And I think ngayon, sa simula ng ating bagong gobyerno, lalo nating mapapaunlad ang ating entertainment industry and hopefully, hindi lang sa Pilipinas kundi hanggang sa labas ng aming pinag-uusapan ni senator.
“I think itong pelikulang ito (Maid in Malacañang) ay magiging very memorable and hopefully will be the most viewed movie in the Philippines at all times.”
Dahil nabanggit na ang bagong gobyerno ay pahapyaw ding nasambit ng Viva honcho na maraming proyekto silang pinag-uusapan ng senadora.
Sa kabilang banda ay hindi naman matapus-tapos ang pasasalamat ni Direk Darryl sa Viva bosses na sa kanya ipinagkatiwala ang kuwento tungkol sa pamilya Marcos.
“Nagpapasalamat po ako sa pagkakataong ito sa hindi lamang pagbibigay ng lisensiya at pahintulot na maisapelikula ang sinasabi kong nawawalang piraso ng ating kasaysayan at ‘yun ay ang marinig ang kabilang panig. Sa ngalan ng buong pamilya Marcos, ako po ay pinagbigyan at maraming salamat po, Senator Imee sa pagkakataong ito,” say ng direktor.
Sa nasabing kuwento ay walang babaguhin, bagkus ay maraming idaragdag na mga pangyayaring pawang katotohanan lang na hindi alam ng marami.
Bida bilang mga kasambahay sina Elizabeth Oropesa as Yaya Lucy, Beverly Salviejo as Yaya Biday at Karla Estrada sa papel na Yaya Santa dahil sila mismo ang title role.
Ngayong nanalo si President-elect Bongbong Marcos, Jr. ay muling tatapak sa Malacañang ang buong pamilya Marcos, pero sabi ni Senadora Imee ay hindi na big deal 'yun dahil galing na sila roon.
“The return to Malacañang, galing na kami doon, eh. Kung tutuusin, hindi masyadong mahalaga 'yung pagbabalik sa Palasyo. What’s most important to us is, of course, our name, the family name that has become so controversial, and so difficult at times to bear. The legacy of my father is what we hope will be clarified at last,” sambit pa ng panganay na anak ng pamilya Marcos.
Anyway, ang ibang kasama sa Maid in Malacañang na mapapanood sa big screen sa July 20 produced ng Viva Films ay sina Cesar Montano as Pres. Ferdinand Marcos, Sr., Diego Loyzaga sa papel na Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., Ella Cruz sa role na Irene Marcos, Cristine Reyes bilang si Imee Marcos at Ruffa Gutierrez na gaganap na Imelda Romualdez Marcos.





Comments