Gala raw kasi nang gala… SIGAW NG NETIZEN: PIA, DESERVED MONG MAGKA-COVID!
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | January 12, 2022

Pinalagan ni Pia Wurtzbach ang isang basher na nagsabing deserved niyang magkaroon ng COVID-19 dahil parati siyang nagbibiyahe.
Matatandaang ibinahagi ni Miss Universe 2015 sa kanyang Instagram account na nagpositibo siya sa COVID-19 and has recovered already.
Sa United Kingdom nakuha ni Pia ang deadly virus kung saan naroroon siya ngayon para magbakasyon.
Sari-sari ang komento ng mga netizens sa kanyang post at ang ilan dito ay kanyang sinagot kasama na nga ang isang basher na hindi maganda ang sinabi.
“I deleted it already pero may nag-comment pa na I deserved this 'cos I travel? And that I had it coming?
“Kilabutan sana kayo sa mga sinasabi n'yo. Iba na talaga mundo ngayon. Sana 'di n'yo maranasan 'to,” ang pahayag ni Pia.
May nagkomento rin na nakuha raw kasi ni Pia ang virus matapos niyang bisitahin ang ina.
May recent vlog kasi ang ina ni Pia kung saan ay makikita rin doon ang beauty queen.
Pero ayon kay Pia ay alam niya kung saan siya nahawa at hindi sa kanyang ina.
“Her uploads are not real time po. And she hasn’t been uploading them in chronological order. I know exactly where I got exposed (praying hands emoji). We're better thank you!” saad ni Pia.





Comments