Gagayahin si Joel Cruz na may 8 babies… VICE, NAGPUNTA NG USA PARA MAGKAANAK
ni Julie Bonifacio @Winner | April 17, 2023

Pagkatapos tumanggap ng parangal na "Lord of Scents" ni Joel Cruz sa awards night ng 6th Philippine Empowered Men and Women 2023 ay dumiretso na siya sa birthday celebration ng kaibigan niya at TV-radio host na si Jobert Sucaldito sa Music Box sa Timog, Quezon City last Sunday.
Inusisa namin kay Joel ang tungkol sa pagtulong niya na magkaroon din ng baby ang It's Showtime hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez.
As we all know, si Joel ang nagbukas ng pinto sa mga celebrities na subukan ang pagkakaroon ng baby through surrogacy. At ang pinaka-latest nga ay humingi sa kanya ng advice si Meme Vice.
"Well, oo nga, sabi nila, nakapagbigay ako ng inspirasyon. Kasi 'yung isang common friend namin ni Vice na si Dr. Ralph ay nagpunta sa akin kasama si Vice. Nalaman ni Vice kasi endorser din namin siya, eh. And, I'm a good friend of Vice, also.
"Parang surprise ang nangyari. Kasi, sabi nu'ng aming common friend, si Dr. Ralph, ang aming dentist, 'Uy, may surprise ako sa 'yo.' Dadalhin nga raw niya (si Vice). Hanggang sa 'yun na nga, medyo confirmed na si Vice, 'yun na. Sinabi na ni Dr. Ralph na si Vice 'yung kasama niya.
"Na-excite naman ako, pati 'yung mga kasama ko sa Tagaytay. Sabi ko, 'Uy, darating si Vice Ganda.' 'Yung ganu'n," kuwento ni Joel.
Nagtanong daw sa kanya si Vice, bagama't nabalitaan na ni Joel na nagpaplano na sina Vice at Ion na magka-baby.
"Kaya naisip ko na kaya gusto niya talagang pumunta sa akin, seryoso siya. Nagkuwentuhan kami.
Ikinuwento ko rin sa kanya na, 'Alam mo ako, Vice, nu'ng una, hindi ako puwedeng agad magkaanak, because 'yung sperm count ko, kulang. Kasi parang, if I'm not mistaken, parang 100 or 200 million of sperm cells ang kailangan ng isang lalaki para magkaanak at 'yung sa akin, parang 50 million lang yata or 25 million lang.
"Imagine, ganoon karami na 'yun, pero ang sabi ng doktor sa akin, 'Kung meron kang asawa na babae, mahihirapan kang magkaanak.'
"So, sabi ko, 'My God! Marami na 'yung 20 million, pero kulang pa rin pala 'yun,' 'yung ganu'n. So, ikinuwento ko kay Vice 'yun.
"Sabi ko, 'Dapat Vice, hindi ka stressed. Dapat, relaxed ka lang. Kasi kapag stress, problemado or marami kang iniisip or sobrang busy ka sa work at pagod na pagod ka.
Puwedeng kulangin ang sperm count mo.'"
Pabiro raw na sumagot si Vice kay Joel na pupunta siya sa banyo at itsetsek ang kanyang sperm cell.
Pero, hindi raw ni-recommend ni Joel ang company sa Russia kung saan siya pumasok para sa surrogacy program.
Bukod daw sa kasalukuyang giyera na nangyayari sa Russia kontra Ukraine, inamin din ni Joel na may problema ang naturang owner ng Russian company.
"Actually, may problema ang ibang clients niya. Good thing, nakatapos na ako ng walo, 'di ba?
Ako, may walo na akong anak. Awa naman ng Diyos, wala akong naging problema sa kanya.
"But lately, I heard, nagkaroon siya ng kaso sa Filipino and Chinese clients. May namatay na bata, may mga batang nabiyak.
"So, simula noon, hindi ko muna ma-recommend. But, alam naman nitong Russian firm na ito na for the past 11 years ay grabe ang pag-promote ko sa kanya. In fact, siya na nga ang pumupunta rito.
"Lawyer siya, eh. Pumupunta siya sa Philippines, ipino-promote ko siya. But after what happened recently, hindi ko na siya inire-recommend. Kasi nga, baka merong nangyari na hindi maganda sa kanya. Bakit napabayaan? Bakit namatay 'yung bata? Kaya hindi ko muna ini-recommend kay Vice.
"Sabi ko, 'Vice, meron din sa US, sa Singapore, sa India.' Ang alam ko, mas mura pa sa Singapore kaysa sa India and compared sa Russia, 'no? Pero, sa US, medyo mas mahal compared sa Russia."
Feeling ni Joel, pupuntahan ni Vice sa US ang kumpanyang sinasabi niya na may surrogacy program din.
"Ang alam ko, nasa US siya ngayon, eh. Kasi, magmi-meet kami ni Vice this first week of May pagbalik niya para sa post-birthday celebration ko. Kasi nu'ng April 1, in-invite niya ako sa birthday niya, dinner, eh.
"Nu'ng April 1, pumunta naman ako ng Japan, kaya sabi ko, 'Naku, sorry. Hindi ako makaka-attend.' Gustung-gusto kong pumunta. Kaya, bibigyan ko na lang siya ng birthday celebration pagdating niya from the US."
Winish naman ni Joel sina Vice at Ion sa kanilang journey to have their own child.
"I'm so happy for them. Nakakatuwa ang couple na ito kasi talagang, kasi sa kuwento niya, talagang malalaman mo na they really love each other, 'yung dalawa. So, they deserve to have their own children," sey pa ni Joel.
Spotted din pala sa birthday celebration ni Kuya Jobert ang mga bida ng Home I Found In You na sina Jhassy Busran and John Heindrick with MJ Manuel and Mommy Mhae Busran.
Tumanggap din ng award sina Jhassy at John sa awards night ng 6th Philippine Empowered Men and Women 2023, kaya naka-formal outfit pa si Jhassy when we saw her sa Music Box.
Hindi na nakapag-promote pa sina Jhassy at John sa movie nila na Home I Found In You at para sa nalalapit nilang show na Summer Lovin' on April 30, Sunday sa Music Box.
Malat kasi pareho sina Jhassy at John dahil sa dami ng schedule nila for the past days.
Pero, pramis nina Jhassy at John na itotodo nila ang kanilang performance sa show na Summer Lovin' sa Music Box.





Comments