Gabby, lolo na… GARIE, NANGANAK NA SA BABY GIRL NILA NI MICHAEL
ni Julie Bonifacio @Winner | July 15, 2023

Kahapon ay ibinahagi ni Bianca Lapus ang saloobin ng kanyang kaibigan na si Claudine Barretto tungkol sa pagbubulgar ni Sabrina M. ng diumano’y relasyon nila ng yumaong aktor na si Rico Yan.
This time, may isa pang balita ang ipinarating sa amin ni Bianca nu’ng makausap namin siya sa presscon ng Hiraya Theater Production ni Direk Rommel “Chaps” Manansala para sa kanyang pagre-restage ng tatlo niyang theater plays — ang Sina Dasal, Frog Prince at New Yorker in Tondo.
Kabilang si Bianca sa stage play na Sina Dasal ni Direk Rommel. Ka-alternate niya sa role bilang Amana ang singer at anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna na si Garie Concepcion.
Nakasama pa si Garie sa AVP ng Hiraya Theater Production na ipinakita sa big screen sa stage ng Music Box comedy bar kung saan ginanap ang naturang very intimate press conference. As we all know, buntis si Garie sa first baby nila ng singer na si Michael Pangilinan.
At si Bianca, as far as we know ay isa sa mga tumutulong sa singing career ng anak ni Gabby.
So, we asked her kung nakapanganak na ba si Garie at keri nang mag-perform for Sina Dasal.
Sa tantiya kasi namin, buwan ng May or June ang due date ni Garie. Nu’ng huli kasi namin siyang naka-chat sa messenger, inamin niya sa amin na nu’ng huli kaming magkita sa Resort’s World noong November last year ay buntis na raw siya. Kaya may pa-count kami ng buwan.
“Oo, Ate, nanganak na si Garie,” say ni Bianca sa amin. “Girl, Ate. Super cute at chubby.”

Ibig sabihin nito, lolo na ang 80’s matinee idol na si Gabby at “auntie” na si KC Concepcion.
Pansin lang namin, mula anak hanggang apo, babae pa rin ang lumalabas sa lahi ni Gabby, huh?
Anyway, isinilang ni Garie ang anak nila ni Michael sa St. Luke’s BGC, Taguig City.
Ayon pa kay Bianca, “Talagang napaka-hands-on ni Khel (nickname ni Michael). Siya ang nagpapalit ng diaper at naglilinis ng poops ng kanilang baby girl. At tumitigil umiyak kapag kinakantahan ng daddy niya. 'Kakatuwa.”
Tsika pa namin kay Bianca, baka “Angel” ang name ng baby nina Garie at Michael. Kasi nga, parehong pangalan ng anghel ang name nina Garie (Gabriel) at Michael.
Keri, ‘di ba?





Comments