top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Gabby, gets mo 'yun? SHARON: KUNG MAY KISSING SCENE SA CONCERT NAMIN, 'DI SA AKIN MAGSISIMULA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 20, 2023
  • 2 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 20, 2023



Papasukin na rin ni Sharon Cuneta ang online selling at nabanggit niya ito sa presscon ng Dear Heart concert nila ni Gabby Concepcion.


Magiging "Mega Sale" ang online selling ni Sharon sa rami at mamahal ng pre-loved stuff na kanyang ibebenta.


Sa bags pa lang, malilito ka na sa pagma-mine dahil huge ang bags collection ni Mega at kung ibebenta niya lahat ‘yun, jackpot ang makakabili.


May nabanggit din si Sharon na gusto niyang isama ang jacket, na tama ba ang dinig namin na half a million pesos niya nabili?


“Hindi ko pa nagagamit dahil malaki na sa akin. Mostly ang ibebenta ko, bags, shoes at mga damit. Gusto kong ibenta pero mahiyain ako,” sabi ni Sharon.


Binanggit din nito kung ilan ang bag collection niya na hindi na ipinasulat. Aliw din ‘yung sinabi nito na ang akala niya noon, Louis Vuitton lang ang luxury brand, kaya inisip namin na marami siyang LV bags and shoes na ipapa-online selling niya. Kaya mag-abang na lang ang mga fans at malulula kayo.


Siguradong mag-e-enjoy si Sharon sa online at live selling at baka ulit-ulitin niya. Baka nga hindi na lang bags, shoes at mga damit ang ibenta niya, pati iba niyang gamit na hindi nagagamit at nasa cabinet lang.


And speaking of Dear Heart The Concert, gustong malaman ng mga fans kung edited ba o legit ang photo nina Sharon at Gabby Concepcion na magkasama at ipinost ni Sharon sa Instagram.


Kung legit ‘yun, ibig sabihin, nagkita sila sa photoshoot at kung edited naman, ang husay ng nag-edit dahil hindi halatang edited.


Wish ni Sharon na madala nila ni Gabby sa ibang bansa ang Dear Heart The Concert para sa fans nila na based na sa ibang bansa.


Sa tanong kung magki-kiss ba sila ni Gabby sa stage, aliw ang sagot ni Sharon, “Kung may kissing scene, hindi sa akin magsisimula. Babae ako, alangan namang ako ang humalik."


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page