GABBI, FIRST PINOY TOURISM AMBASSADOR NG TAIWAN
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Febuary 7, 2023

Morena ang kulay ng Kapuso actress na si Gabbi Garcia at classic ang kanyang ganda kaya kinukuhang product endorser.
May pagkasosyal at fashionista rin ang kanyang beauty tulad ni Heart Evangelista. May taglay siyang karisma, ang X-factor na wala sa ibang Kapuso stars.
Magaling din siyang makisama sa mga kapwa niya artista at hindi maarte at feeling big star. Kaya hindi nakapagtataka kung siya ay nabibigyan ng magagandang projects sa GMA Network.
Kasama si Gabbi Garcia sa Mga Lihim ni Urduja na tampok din sina Kylie Padilla at Sanya Lopez.
Mapapanood na ito ngayong Pebrero.
May guest appearance si Gabbi sa Maria Clara at Ibarra kung saan gaganap siya bilang si Juli, ang nobya ni Basilio na ginagampanan ni Khalil Ramos. Bukod sa kanyang showbiz career, abala rin si Gabbi Garcia sa kanyang pagiging first ever Tourism Ambassador to Taiwan.





Comments