top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Future hipag ang pumalit sa trono… BARBIE OUT, SANYA IN BILANG KAPUSO PRIMETIME DRAMA PRINCESS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 22, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 22, 2021




Hindi magawang mapikon ng Kapuso young actress na si Barbie Forteza sa comment ng isang netizen na hindi na siya ang Primetime Princess ng GMA-7 kundi si Sanya Lopez na.


Sagot ni Barbie ay hindi raw problema para sa kanya kung sa palagay ng iba ay si Sanya na ngayon ang dapat tawaging "Primetime Drama Princess" ng GMA-7.


Wala naman siyang kine-claim na anumang titulo. Ang mahalaga ay may regular projects na ibinibigay sa kanya ang Kapuso Network. Besides, hindi na rin iba sa kanya si Sanya dahil kapatid ito ng nobyo niyang si Jak Roberto.


Masaya si Barbie sa success ni Sanya at nakikita naman niya kung papaano ito nagsikap sa kanyang career. Napaka-hardworking at professional ni Sanya sa kanyang trabaho.


Samantala, maraming plano sina Barbie at Jak Roberto para mag-level-up ang kanilang career. Gusto nilang lumawak pa ang kanilang kaalaman bilang bahagi ng movie industry.


Plano nilang gumawa ng short film. Nagpapatulong sila sa mga veteran actors and directors. Gusto rin nina Barbie at Jak na subukang gumanap sa iba't ibang challenging roles na susubok sa kanilang kakayahan. Ayaw nilang ma-typecast sa iisang klase lang ng pagganap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page