top of page
Sen. Robin Padilla - FB.jpg

Future Best Actress daw… FYANG, PURING-PURI NINA MICHAEL, DINA AT ARA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 30
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | April 30, 2026



Fyang Smith - Instagram

Photo: Fyang Smith - Instagram



Grabe ang mga papuring natanggap ni Fyang Smith mula sa mga veteran stars na sina Dina Bonnevie at Michael de Mesa.


Magkakasama sila sa upcoming ABS-CBN series na Love is Never Gone (LING) na pinagbibidahan nina Joshua Garcia at Ivana Alawi.


Sa screening and mediacon ng serye na ginanap last Tuesday, hindi itinago nina Michael at Miss D ang paghanga kay Fyang na first time nilang nakatrabaho.


Sey ni Michael, “For a newcomer, she really has something to offer and I believe that she will be one of our future best actresses, si Fyang.”


Dagdag pa ng veteran actor, “Magaling s’ya, she knows her job. She knows her character, basta, in general, magaling s’ya. And like I said, she has the potential to be a really, really great actor.”


Ayon naman kay Dina, “I would say, just like Michael said, Fyang has a lot to offer. I mean, she has a lot to promise her audience. She is a multi-faceted performer.”


Dagdag pa niya, “Kahit na magulo ‘yan before the scene, kahit na magulo ‘yan, pero ‘pag alam n’yang iiyak s’ya… tinitingnan ko, ‘Makaka-deliver ba ‘to?’ ‘Yung eksena namin na talagang confrontation, sasampalin s’ya, takot na takot s’ya kung sasampalin ko s’ya.”

At na-amaze raw siya dahil naka-deliver si Fyang. “So, sa mind ko, magaling ‘tong bulilit na ‘to!”


Halos ganito rin ang sinasabi ni Ara Mina na first time ring nakatrabaho si Fyang.

Noong una raw, akala niya ay suplada si Fyang dahil parang hindi ito namamansin, pero nahihiya lang daw pala ang baguhang aktres.


“Pero totoo ‘yung sinabi ni Miss D. na ano siya, parang bata pa pero ‘pag nag-deliver nga, ‘pag nasa eksena na, she can deliver talaga. ‘Yun nga, ‘di s’ya nahihirapang umiyak,” kuwento ni Ara.


May eksena nga raw silang dalawa na iyakan at kahit paulit-ulit ang take ay parang hindi nauubusan ng luha si Fyang.


Sobrang flattered and thankful naman ng young actress sa mga papuring natanggap mula sa mga naturang veteran stars.


Samantala, kasama rin sa Love is Never Gone sina Jameson Blake, Jane Oineza, Michael de Mesa, Epy Quizon, Dina Bonnevie, kasama sina Fyang Smith, JM Ibarra, JC Alcantara, Rans Rifol, Kiko Matos, Argel Saycon, Heart Ramos, Alex Medina, Benj Manalo, Carlo San Juan at Irma Adlawan.


Mula ito sa direksiyon nina Manny Palo at Jojo Saguin, at sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment na nasa likod ng ilang hit series ng ABS-CBN tulad ng Linlang, Saving Grace, Dirty Linen, at The Alibi.


Mapapanood na ang Love is Never Gone sa Prime Video simula sa May 8.





Lantaran sa relasyon, Kathryn…

KAILA AT DANIEL, AYAW NANG PAKAWALAN ANG ISA’T ISA SA HIGPIT NG YAKAP



FRANKLY - KAILA AT DANIEL, AYAW NANG PAKAWALAN ANG ISA’T ISA SA HIGPIT NG YAKAP-IG _kailaestrada


TILA nag-hard launch na si Kaila Estrada ng relasyon nila ni Daniel Padilla.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram (IG) Story last Tuesday night ang larawan nila ni DJ na masayang magkayakap.


Kuha ang nasabing larawan sa katatapos lang na intimate birthday celebration ni Daniel na dinaluhan din ng kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan.


Present din sa naturang birthday celebration ang pamilya ni Kaila tulad ng mga kapatid na sina Luigi Muhlach, Inah de Belen with boyfriend Jake Vargas, Moira Estrada with fiancé Miguel, at si Yuan Estrada.


Sa pamamagitan ng post ni Kaila ng sweet photo nila ni DJ, tila opisyal nang isinapubliko ng aktres ang kanilang relasyon.


Nag-viral na agad ang larawan at umani nang katakut-takot na reaksiyon mula sa mga netizens.

Sey ng mga fans…


“Wala na, mga Mami. Tinapos na talaga nila. Layag kung layag,” sabi ng isang netizen.


“Grabe ‘yung mga kamay na para bang ayaw na pakawalan nina Kaila Estrada at Daniel Padilla ang isa’t isa,” komento naman ng isa pa.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page