Fuels, nanambak ng 51 points 11-yr old Pinay climber, pa-India
- BULGAR
- Nov 27, 2022
- 2 min read
ni VA / MC - @Sports | November 27, 2022

Hindi binigyan ng tsansa ng Phoenix Super LPG ang Terrafirma Dyip sa halip tinambakan pa ang all-Filipino team ng 51 puntos, 135-84 paras magka-tsansa pa ang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.
Wala nang inaksayang oras ang Fuel Masters sa panlulunod sa Dyip iniwanan na halos sa 67-30 lead na maituturing na pang-5 sa all-time most lopsided first half sa league history.
Samantala, paiigsiin ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 2023 Governors’ Cup upang mabigyan ang Gilas Pilipinas ng preparasyon para sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa May.
Hindi pa naisasapinalisa ang iskedyul pero ayon kay Commissioner Willie Marcial na ang season-ending conference ay may five game days a week pareho sa Philippine Cup, at posibleng may triple-headers na rin.
Samantala, napatalsik ang host nation na Qatar sa World Cup noong Biyernes na may isang laro pa sa Group A matapos hawakan ng Ecuador ang Netherlands sa 1-1 na tabla.
Nauna nang bumagsak ang Qatar sa ikalawang sunod na pagkatalo sa torneo, natalo sa 3-1 sa Senegal na nangangahulugang kailangan nila ng Ecuador upang talunin ang Dutch upang manatili sa contest.
Samantala, maliwanag ang kinabukasan ng PHL sports ang pagpasok sa listahan ng batang 11-anyos na climber na si Praj dela Cruz.
Si Praj, na ang mga magulang ay climber din, ay nakilala sa kompetisyon at kasalukuyang naghahanda para sa Asian Youth Cup sa India. Nagustuhan ni Praj ang sport climbing tulad ng kanyang mga magulang na climbers din. “Sa Pilipinas kasi, ‘pag umaakyat ‘yung mga bata, sinasaway, ‘Uy mahuhulog,’ Pinagbabawalan agad.
Dahil pareho kaming climber ng wife ko, hinahayaan namin siya, kami na sa likod,” ayon sa ama ni Praj na si Bidz.








Comments