Fuel tanker sumabog sa Sierra Leone; 99 patay, higit 100 sugatan

ni Jasmin Joy Evangelista | November 7, 2021

Nasawi ang 99 katao habang mahigit 100 naman ang sugatan sa naganap na pagsabog ng isang fuel tanker sa Sierra Leone.
Patuloy pa rin ang pagtagas sa naturang tanker nitong Sabado nang umaga habang itinataboy ng mga pulis at sundalo ang mga taong naroon.
Nagkalat ang mga sunog na katawan ng tao at pira-pirasong mga parte ng kotse at iba pang sasakyan sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
Kabilang sa mga biktima ang mga nag-umpukan para makakuha ng petrolyo sa tumatagas na tanker.
“We've got so many casualties, burnt corpses," ani Brima Bureh Sesay, head of the National Disaster Management Agency, sa isang video na ibinahagi online. "It's a terrible, terrible accident."
Kasunod nito ay nangako naman si Sierra Leones President Julius Maada Bio na tutulungan nila ang lahat ng pamilya ng mga biktima sa malagim na insidente.
“My profound sympathies with families who have lost loved ones and those who have been maimed as a result. My Government will do everything to support affected families,” ani Bio.





Comments