top of page
Search
  • BULGAR

Friendship over dahil sa mga raket... OSANG, GUSTO NANG MAKIPAGBATI KAY AI AI

ni Lucille P. Galon Trainee @Entertainment | April 26, 2024




Inamin ni Rosanna Roces na gusto niyang ibalik ang dating friendship nila ni Ai Ai delas Alas sa vlog ni Aiko Melendez last April 25, 2024.


“Kasi 'yung pinagsamahan namin noon, totoo, eh. Sobrang saya, sobrang nakakatawa,” sey ni Osang (Rosanna), na nanghihinayang daw sa kanilang pinagsamahan.


Inispluk din ni Osang ang dahilan ng kanilang friendship over at 'yun ay ang banggaan ng kanilang mga raket.


“Ang totoong pinag-awayan namin, may show kami sa Dagupan. Kalakasan naming mag-show noon,” ani Osang.


Paliwanag niya, “So, ang ginawa ng producer ko—na hindi ko naman alam, tinanggal siya, si Ai Ai sa poster. So, nu'ng nakita niya siguro, sumama 'yung loob niya.”

Simula raw noon, umiwas na si Ai Ai kay Rosanna.


Ani Osang, “Nag-decide siya na huwag magbihis nang normal naming ginagawa. Tapos, hindi siya dumidikit sa akin. Doon siya sa dalawa kong back-up singers dumidikit."

Umaasa pa rin si Osang na magiging friends ulit sila ni Ai Ai.


Sabi niya, “Wala namang hindi naaayos 'pag tumagal na, eh, 'di ba? Time heals all wounds nga. So, pupunta rin tayo diyan.


“Ang wish ko nga, sana makapag-show kaming dalawa ulit. 'Yung ginagawa namin dati. Same group...” dagdag nito.


Dagdag pa niya, mas marami ang magagandang pinagsamahan nila ni Ai Ai kaysa sa nangyaring hindi pagkakaunawaan at hoping siyang magkakaayos sila.


"Willing naman akong puntahan siya kahit saan. Pero siyempre, 'pagka ready na siya. At wala na akong sama ng loob or anything like that,” sambit ng aktres.


Ano kaya ang sey at reaksiyon ni Ai Ai sa gustong mangyari ni Osang? Pumayag kaya ito na magsama ulit sila sa isang show? Abangan!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page