top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Friends pa rin naman daw… ANGELICA HART, UMAMING HIWALAY NA SILA NI ANDREW MUHLACH

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 3 min read

ni Mercy Lejarde @Talkies | August 24, 2026



TALKIES - ANGELICA HART, UMAMING HIWALAY NA SILA NI ANDREW MUHLACH-IG __angelicahart & _andrewmuhlach

Photo: IG __angelicahart & _andrewmuhlach



Inamin ng aktres na si Angelica Hart na hiwalay na sila ng aktor na si Andrew Muhlach.

Sa guesting ni Angelica sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), diretsahan siyang tinanong ng King of Talk tungkol sa mga usap-usapang nagkahiwalay na sila ni Andrew.

“Opo, Tito Boy. Hiwalay na po kami,” sagot ni Angelica.


Ayon sa aktres, naging masaya at maayos ang simula ng kanilang relasyon. Aniya, marami silang bagay na sabay na ginagawa at kapwa sila naging masaya sa kanilang pagsasama.


Ngunit habang tumatagal ang kanilang relasyon, doon umano nila napansin ang kanilang pagkakaiba, partikular sa personalidad.


“Nu’ng medyo tumagal na po kami, du’n lang po namin parang nakita ‘yung mga differences po namin,” pahayag ni Angelica.


Gayunman, nilinaw niyang hindi naman sila nagkaroon ng malaking away. Sa katunayan, matapos ang kanilang paghihiwalay ay nananatili pa rin silang magkaibigan.

“Pero nu’ng time po na naghiwalay kami, nag-uusap po kami. Ngayon po, mabuting magkaibigan po kami,” sey niya.


Nang tanungin naman ni Boy kung may third party na sangkot sa kanilang breakup, mabilis na sagot ni Angelica, “Wala naman po.”


Samantala, ibinahagi rin ni Angelica ang pinakamahalagang aral na natutunan niya sa pag-ibig.


“‘Wag kang matatakot na ibigay lahat. ‘Di ka magtitira,” aniya.


Para sa aktres, hindi dapat maging dahilan ang mga trauma at masasakit na karanasan mula sa nakaraang relasyon para pigilan ang sarili na magmahal nang buo sa susunod na pagkakataon.


Aniya, mas mabuting ipakita kung sino ka talaga at kung paano ka magmahal bilang isang tao.


“Kasi du’n mo masasabi kung sino ka. ‘Di dahil marami kang naramdaman, naranasang trauma. Kumbaga, ipinapakita mo kung sino ka, kung paano ka magmahal as a person,” paliwanag ni Angelica.


“Makakahanap at makakahanap ka ng taong suswak sa pagmamahal na kaya mong ibigay,” dagdag pa niya.


Well, big tumpak ka riyan, Angelica. Sure si yours truly na makakahanap din ng bagong mamahalin ang kapatid ni Aga Muhlach na si Andrew Muhlach dahil guwapo na, mabait pa. ‘Di ba naman?





Naka-survive sa Stage 3 cancer…

MALU, BALIK-CONCERT NA



BACK to normal na ang buhay ng singer-actress na si Malu Barry matapos niyang labanan ang Stage 3 cervical cancer noong nakaraang taon.


Halos isang taong sumailalim sa gamutan si Malu matapos niyang malaman na mayroon siyang cancer. Kabilang sa kanyang mga pinagdaanan ang chemotherapy at radiation therapy.


Sa kabila ng matinding gamutan, nanatiling positibo si Malu. Kapansin-pansin din na hindi nagbago ang kanyang kagandahan at hindi rin siya nakalbo dahil sa chemotherapy. Higit sa lahat, nanatili ang kanyang magandang boses na patuloy niyang ibinabahagi sa kanyang mga tagahanga.


Bilang pasasalamat sa panibagong pagkakataong ipinagkaloob sa kanya at bilang bahagi ng kanyang pagbabalik-entablado, muling aawit si Malu sa isang espesyal na concert na pinamagatang Simply D’ Best.


Ang concert ay gaganapin sa BAR 1X, Molito Alabang Lifestyle Center, sa September 3, alas-8 ng gabi para sa benefit ng Cancer Society of the Philippines.


Makakasama ni Malu sa espesyal na gabing ito ang kanyang mga kaibigan at special guests na sina Patricia Javier, Mike Austria, Kathy Mas at Miguel Aguila.

Kasama rin sa pagtatanghal ang Project Band na binubuo nina Janice, Jigger, Rona at Judee.


Samantala, ang musical director ng concert ay si Jerrico Manijayme.

Malaking pasasalamat din ang ipinapaabot ni Malu sa mga sponsors na sumusuporta sa kanyang concert at sa layuning makatulong sa mga cancer patients. 


Para kay Malu Barry, ang pagbabalik niya sa entablado ay hindi lamang isang concert kundi isang celebration of life, faith, gratitude and hope—isang patunay na matapos ang isang mahirap na laban, posible pa ring muling mangarap, umawit at magbigay-inspirasyon sa iba.

‘Yun lang, and I thank you.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page