French Aambassador, 'hinostage'
- BULGAR

- Sep 17, 2023
- 1 min read
ni Mabel G. Vieron @Overseas News | September 17, 2023

Kumilos na ang French government para tuluyang mapalaya sa kamay ng mga military junta sa Niger ang kanilang ambassador.
Ayon kay French President Emmanuel Macron, tila hinostage ng mga military junta ng Niger si Ambassador Sylvain Itte. Hindi aniya ito pinapalabas at hindi rin nabibigyan ng sapat na pagkain.
Mula nang kontrolin ng military junta ang nasabing bansa sa West Africa, hindi na umano ito pinalalabas sa bansa.
Ngunit, binigyan ito ng 48 hours na umalis noong Hulyo subalit hindi ito umalis kaya napilitan ang mga military junta na hindi ito palabasin sa bansa.
Magugunitang pinatalsik sa pamumuno ng bansa si President Mohamed Bazoum dahil umano sa alegasyon ng katiwalian.





Comments