Frankie at KC, pinagkumpara raw… SHARON SA NETIZENS: WA' KAYONG PAKI SA GUSTO KONG I-POST
- BULGAR
- Aug 31, 2023
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | August 31, 2023

Sinagot ni Sharon Cuneta ng, “Because I’m a mom and this is my account?” ang mga nagtanong at nag-react sa post niya patungkol kay Frankie Pangilinan na nasa Amerika ngayon to continue her studies.
Private conversation daw ito at hindi na niya dapat ipinost, kaya sinagot ni Sharon ang nag-comment.
May mga naniwalang ‘shade’ para kay KC Concepcion ang post ni Sharon at may nag-akusa pa sa kanya na pinagkukumpara niya ang dalawang anak na sa halip na makabuti ay nakasama pa.

Sagot ni Sharon, “It’s so sad that it is people like you who do not know us at all or what we have been going through who are the quickest to judge and make comments like this. I will post what I want to about any of my children, other family members and friends and really, when I focus on one it’s not my problem what people like you think. That is obviously your issue, not mine. Besides, careful what you believe. What you “see” is not necessarily what IS. I do not pretend to be someone I am not.”
Loaded daw ang post na ito ni Sharon at marami na naman ang nag-react. Pero kung may mga negative reaction sa post niya, mas marami ang pumanig sa kanya.
Ang hindi lang maganda, si KC naman ang na-bash na hindi rin nakakatulong para maayos ang isyu sa kanila ng mom niya.
Sa mga nakaintindi sa post ni Sharon na isang appreciation post ng isang ina para sa anak na mahal na mahal at inirerespeto siya, ang sagot ni Sharon ay, “Thank you for being one of the smart and goodhearted ones!”





Comments