top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Frank, bronze sa Colorado, pakay ang Winter Olympics

  • BULGAR
  • Sep 14, 2021
  • 2 min read

ni MC - @Sports | September 14, 2021



Umakyat sa podium si Filipina figure skater Sofia Frank matapos sungkitin ang bronze medal sa katatapos na Colorado Spring Invitational.


Ayon sa ulat, nakatipon si Frank ng 90.13 points sa event upang malagay na 3rd place sa free skate event. Nakuha ni Frank ang pangatlong puwesto sa 12 competitors kung saan nagkampeon si Courtney Hicks (100.53) at Sonja Hilmer na 2nd place (95.85).


Sa short program na ginanap nitong Sabado, nagtapos din si Frank na 3rd sa walong competitors sa iskor na 45.43 habang si Hilmer ay first place sa iskor na 61.32 points habang si Hicks ay sa second spot, 53.55.


Kakatawanin ni Frank ang Pilipinas kasama si Edrian Paul Celestino sa Nebelhorn Trophy sa Germany sa September 22-25. Ang Nebelhorn Trophy ay ang qualifying tournament para sa 2022 Beijing Winter Olympics


Samantala, hindi pa tapos ang laban para kay Senator Manny Pacquiao at target pa umano nitong sumabak sa farewell fight matapos ang naging pagkatalo kontra kay Yordenis Ugas sa Las Vegas. Ayon sa insider, gusto ni Pacman na gawin ang kanyang farewell fight sa Pilipinas sa Disyembre o Enero sa Philippine Arena kung saan pwedeng manood ang mahigit 50,000 fans.


Pero kung patuloy pa rin ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, maaaring sa US o middle east na gawin ni Pacquiao ang kanyang swan song. Sinabi ng mga fan na mas gusto nilang magkaroon si Pacquiao ng rematch kontra kay Ugas dahil tila wala sa kondisyon ang Pinoy sa huling laban nito.


Para umano sa kanyang huling laban, dapat ibuhos na ni Pacquiao ang lahat ng kanyang makakaya. Pwede rin umanong si Ryan Garcia o kaya isang friendly fight kontra kay Saul Canelo ang kanyang huling laban, ayon naman sa netizens.


Nais din ng fans na labanan ni Pacman si Scottish Josh Taylor na may record na 18-0 na naging 2012 Olympian at kasalukuyang may hawak ng WBC, WBO, WBA super at IBF superlightweight titles.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page