FRANCINE AT SETH, MAY SARILING MUNDO 'PAG MAGKASAMA
- BULGAR
- Sep 9, 2023
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | September 8, 2023

Obvious na may something deeper na between Seth Fedelin and Francine Diaz based sa mga galawan nila sa ginanap na mediacon ng latest project nila na Fractured.
All smiles ang dalawa throughout the mediacon even when they were asked especially sa kanilang personal relationship.
At kapag hindi naman tinatanong, tila may sarili silang mundo na nagtsitsikahan ang dalawa with sweet nothings.
Feeling namin, mas gumanda ang bonding nina Francine at Seth sa Fractured after nilang gawin ang Dirty Linen na first team-up nila on screen.
Eh, kasi naman, nasa isang “isla” lang sila for almost eight weeks. Kaya malaki talaga ang chance na mas lumalim ang pagkakakilala nila sa isa’t isa.
At saka mas chillax na sila sa set ng Fractured kahit pa isang mystery-thriller ang bagong drama series ng iWantTFC Original Series na magsisimula na sa September 15.
Ayon kay Seth, si Francine ang rason kung paano niya naha-handle nang tama ang success ng kanilang tandem from Dirty Linen to Fractured.
“Nandito siya,” diin ni Seth. “So, ‘yung pressure ko, ino-open ko sa kanya. And then, tinitingnan namin kung ano ang puwede naming gawin para mabawasan ‘yung pressure namin. Kasi nga, galing kami ng Dirty Linen, tapos ginawa namin itong Fractured.
“Pero malaking lesson ang naibigay sa amin ng Dirty Linen para mas magawa namin nang maayos ang Fractured.
“Kasi, unang-una po, ang nakasama namin doon ay mga guro sa pag-acting, pag-perform sa TV.
Talagang sila po ‘yung teachers namin. Meron po kaming napulot na talagang nagamit namin sa paggawa ng Fractured.”
Hindi rin inililihim nina Francine at Seth kung gaano sila kasaya ngayon.
Say ni Seth, “Happy kami ngayon. Happy kami. Ayun. Sobrang happy namin ngayon.”
Kitang-kita naman ‘yun, hindi lang sa mga ngiti at walang humpay na tawanan nila sa mediacon, kundi pati na sa kanilang mga mata.
Esplika ni Francine, “Actually, marami po kaming napapag-usapan. Kaya kapag ganito ‘yung event, 'may sariling mundo' is because sa sobra namin palaging magkasama, ang dami naming napapag-usapan na naka-catch po ng attention ninyo."
Depensa naman ni Seth, “Saka ang pinagtsitsikahan naman namin, tungkol dito sa Fractured.”





Comments