Foster child, may karapatan ba magmana sa kanyang foster parent?
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 11, 2022
Dear Chief Acosta,
Sampung taon na ring tumatayo bilang foster parent ang aking kapatid sa kanyang foster child. Ang tanong ko ay kung may karapatan bang magmana ang kanyang foster child mula sa aking kapatid? - Aida
Dear Aida,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa inyong sitwasyon ay ang Rule 16.1 ng Implementing Rules and Regulation ng Republic Act No. 10165 o mas kilala sa tawag na “Foster Care Act of 2012”, kung saan nakasaad na:
“16.1. An LTFPA grants the Foster Parent(s) custody over the Foster Child but does not require the Foster Parent(s) to adopt the Foster Child. During long-term foster placement, the Foster Child shall enjoy the rights of a child under Article 3 of the Child and Youth Welfare Code, and under other laws. However, there shall be no mandatory rights of succession in favor of the Foster Child.;”
(Binigyang-diin)
Alinsunod sa nabanggit, malinaw na ang foster child ay walang mandatory rights of succession o hindi compulsory heir ng kanyang foster parent. Ibig sabihin, walang karapatan sa mana ang nasabing foster child mula sa magiging estate ng inyong kapatid na siyang kanyang foster parent, maliban na lamang kung iiwanan siya nito ng mana mula sa free portion ng kanyang estate o parte na maaari niyang ipamigay mula sa kanyang maiiwang mga ari-arian.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments