Forest fire, sumiklab sa bahagi ng Sierra Madre sa Laguna
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Lulet Abania @News | April 22, 2026

Photo: Mark Angelo Cadapan / Circulated
Sumiklab ang isang forest fire nitong Martes ng gabi, Abril 21, sa isang bahagi ng kabundukan ng Sierra Madre sa Kalayaan, Laguna, na agad namang nakontrol, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Base sa naka-witness, bandang alas-8 ng gabi nagsimula ang sunog.
Sinabi naman ni SFO4 Jessus Andres Jr. ng BFP ng lalawigan, idineklarang under control ang sunog pasado alas-10 ng gabi, at hanggang ala-1 ng hatinggabi ng Miyerkules, maliliit na portion na lamang ng apoy ang natitira habang ang mga bumbero ay patuloy ang operasyon.
Idinagdag pa ni Andres na nahirapan umano ang mga bumbero na tuluyang apulahin ang apoy sa naturang bahagi ng bundok dahil ito ay matarik at may mga bangin.




Comments