Foreigner na pinamanahan ng lupa
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | July 7, 2022
Dear Chief Acosta,
Ang ama ko ay namatay noong nakaraang buwan at siya ay nag-iwan ng kanyang last will and testament, kung saan bukod sa aming apat na magkakapatid ay binigyan nya ng hati sa isa sa kanyang mga lupa ang kanyang kinakasama na German citizen. Nais kong malaman kung maaari ba magmana ang nasabing dayuhan sa kadahilanang siya ay pinangalanan sa last will and testament ng aking ama? - Marcus
Dear Marcus,
Ang batas na sasaklaw tungkol sa iyong katanungan ay ang 1987 Philippine Constitution. Nakasaad sa Article XII, Section 7 na:
“Section 7. Save in cases of hereditary succession, no private lands shall be transferred or conveyed except to individuals, corporations, or associations qualified to acquire or hold lands of the public domain.”
Ang nasabing probisyon ay matatagpuan din sa 1935 at 1973 Constitution, kung saan, inilahad ng Korte Suprema sa kaso ng Testate Estate of Jose Eugenio Ramirez, et al. v. Marcelle D. Vda. De Ramirez, et al. (G.R. No. L-27952; 15 February 1982 na isinulat ni Dating Kasamahang Mahistrado Vicente Abad Santos) na
“The court a quo upheld the validity of the usufruct given to Wanda on the ground that the Constitution covers not only succession by operation of law but also testamentary succession. We are of the opinion that the Constitutional provision which enables aliens to acquire private lands does not extend to testamentary succession for otherwise the prohibition will be for naught and meaningless. Any alien would be able to circumvent the prohibition by paying money to a Philippine landowner in exchange for a device of a piece of land.
This opinion notwithstanding, We uphold the usufruct in favor of Wanda because a usufruct, albeit a real right, does not vest title to the land in the usufructuary and it is the vesting of title to land in favor of aliens which is proscribed by the Constitution.” (Binigyang-diin)
Malinaw na nakasaad sa ating Konstitusyon na ang dayuhan ay hindi maaaring magmay-ari ng lupain sa Pilipinas, maliban lamang kung ito ay kanyang mamanahin. Binigyang-linaw ng Korte Suprema na ang nabanggit na probisyon kaugnay sa kakayanang magmay-ari ng dayuhan ng lupain sa ating bansa sa pamamagitan ng mana ay hindi sa paraan ng testamentary succession, kung saan ang mana ay nakatala sa will. Samakatuwid, ang dayuhan ay maaari lamang magmana ng lupa sa pamamagitan ng intestate succession, o kung ang yumao ay walang iniwang will.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments