top of page

Foreign trips ni P-BBM, importante sa bansa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2023
  • 1 min read

ni Mylene Alfonso | January 30, 2023




Idinipensa ng isang mambabatas ang mga foreign trips ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at binigyang-diin na mahalaga ang mga ito sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.


“Ang ating Pangulo po ang number one manager natin sa pag-e-encourage ng mga investor. Gaya po ng panahon din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, during the first year po ng kanyang presidency, ay talagang umiikot po ang presidente, at hindi lang umiikot, nagbibigay ng courtesy sa ibang lider ng ibang bansa, but also to promote also our country, to encourage investors,” paliwanag ni Sen. Bong Go sa isang ambush interview sa Kawit, Cavite, kung saan ginawa ang groundbreaking ng isang Super Health Center.


Nabatid na simula nang maupo sa puwesto noong Hunyo 2022, nagkaroon si Marcos ng walong opisyal na paglalakbay sa ibang bansa.


Ipinagtanggol din ni Go si P-BBM at ipinaliwanag na ang mga paglalakbay sa ibang bansa ay makakatulong nang malaki sa Pilipinas na makaakit ng mga potensyal na mamumuhunan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page