top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | February 12, 2026



Usec. Claire Castro - PCO

Photo: Presidential Communications Office



Pinabulaanan ng Malacañang ang alegasyon na na-diagnose umano ng colon cancer si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.


Ginawa ni Palace Press Officer Claire Castro ang pahayag matapos magbahagi ng larawan si dating presidential spokesperson Harry Roque ni Pangulong Marcos, kung saan pinalalabas umano na tila may suot itong colostomy bag, sa dinaluhang public engagement nito kamakailan.


“‘Yun na nga po ang masama kasi mga rumors, mga tsismis, walang katotohanan na nakakapanira sa gobyerno, nakakapanira sa Pangulo na nakakaapekto sa ekonomiya,” diin ni Castro sa Palace briefing.


Kasabay nito, tinawag ni Castro si Roque na isang “fake news peddler”.

“Nakita naman po natin ang video, iyong kabuuan kung saan itinaas pa po mismo ng Pangulo ang kanyang mga kamay habang siya ay kumakaway sa ating mga kababayan,” patuloy ni Castro.


“At kitang-kita po na ang sinasabing larawan o ipinakitang larawan ni Harry Roque ay pawang kasinungalingan lamang,” hirit niya.


Bunsod nito, hinikayat ng Palace official ang publiko na huwag paniwalaan ang naturang alegasyon.


“Huwag na po tayong maniwala at nakikiusap po tayo. Huwag na po natin dalhin sa anumang usapan ang mga fake news peddlers katulad nila,” dagdag ni Castro.

Matatandaang pansamantalang nagpahinga ang Pangulo sa kanyang mga public engagements at nagsagawa muna ng mga private meetings matapos ma-diagnose na may diverticulitis.


 
 

ni Angela Fernando @Overseas News | Oct. 27, 2024



Photo: Nasa larawan sina Michelle Obama at Kamala Harris matapos ang speech nito - AP / Melissa Perez Winder


Ipinanawagan ni Michelle Obama na suportahan ang kandidato sa pagka-presidente na si Kamala Harris sa ginanap na rally nito habang umapela naman si Donald Trump sa mga botanteng Muslim sa Michigan.


Matatandaang naglalaban sa Michigan sina Harris at Trump para sa mga botante, kabilang ang Arab American at Muslim na populasyon na nababahala sa pambobomba ng Israel sa Gaza.


Kabilang sa mga nasabing botante ang unyon ng mga manggagawa na nag-aalala kung paano maapektuhan ng mga electric vehicle ang industriya ng auto sa United States (US) na nakabase sa Detroit, ang pinakamalaking lungsod ng estado.


Magaganap ang araw ng halalan sa Nobyembre 5, ngunit nagsimula na ang maagang pagboto sa Michigan, tulad ng sa maraming estado.

 
 

ni Eli San Miguel @Overseas News | July 22, 2024




News

Bumitiw na si Pangulong Joe Biden ng United States sa pagtakbo sa eleksyong 2024 matapos ang mapaminsalang debate kay Donald Trump, na nagdulot ng alalahanin sa kanyang kakayahan bilang pangulo.


Inanunsiyo nitong Linggo ang kanyang desisyon, na sumunod sa tensyon mula sa mga Democratic na kaalyado na hinimok siyang umatras dahil sa kanyang naging sitwasyon sa debate noong Hunyo 27, kung saan nahirapan siyang tablahin ang mga pahayag ng kanyang oposisyon na si Donald Trump.


Pinaplano ni Biden na tapusin ang natitirang bahagi ng kanyang termino sa opisina, na magtatapos sa Enero 20, 2025 (ET). "It has been the greatest honor of my life to serve as your President. And while it has been my intention to seek reelection, I believe it is in the best interest of my party and the country for me to stand down and to focus solely on fulfilling my duties as President for the remainder of my term," saad ni Biden sa isang liham na ipinost sa kanyang X account. Pinatunayan naman ng White House na lehitimo ang liham.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page