top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Foreign students ng UAAP at NCAA, lalaro sa VisMin Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 4, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | February 04, 2022




Upang pataasin ang kalidad ng mga laro sa 2022 Pilipinas VisMin Super Cup, papayagan na lumahok ang mga dating foreign-students mula sa collegiate leagues kabilang ang UAAP at NCAA bilang imports sa unang komperensya na sisimulan sa Marso.


Inihayag ni commissioner Cris Bautista na bukod sa imports para samahan ang mga homegrown talents, puwede na rin ang mga dating foreign students upang maipagpatuloy ang paglalaro ng basketball at makatulong sa mga walang trabaho sa koponang may hanggang walong players na tatagal lang ng isang buwan ang laro.


“We are giving chances sa mga foreign-students natin, marami sa kanila tinatawagan ako kung pwedeng maglaro as imports. In this way it can help us to improve and promote the level of competition sa ating liga,” pahayag ni Bautista, sinabing maaari ring kumuha ng imports ang mga koponang sasabak sakaling makayanan ng commercial o Local Government Units (LGUs) ang sweldo ng mga ito. “Wala itong height limit, pero puwede silang palitan hanggang first round nga lang.”


Ngunit nilinaw ni Bautista sa mga dating foreign-students na hindi kalakihan ang kanilang sahod upang hindi mahirapan ang a team owners sa pagbabayad at mapanatili ang koponan sa liga.“We’re expecting na ang salary ng ating imports ay within 1-month lang and labas na diyan iyong winning bonuses sa mga eliminations, playoffs o finals. Iniiwasan kase natin yung sasali lang sila tapos pahirapan sa pagbabayad sa mga players. Nakakaawa rin ang team owners,” paliwanag ng dating head coach ng Jubilee Christian School.


Niliwanag ni Bautista na hindi maituturing na homegrown ang Fil-Foreigners at ex-pros kahit na ipinanganak ang mga magulang mula sa Visayas o Mindanao, dahil malawak na ang nakuha nitong exposure na pinanganak sa abroad o sa bansa.


Pinag-uusapan pa ang pagkakaroon ng ‘salary cap’ sa players. Maaari munang depende sa magiging agreement ng players at team owner.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page