Food technologist na binawian ng lisensiya
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | February 03, 2022
Dear Chief Acosta,
Ako ay food technologist na tinanggalan ng lisensiya. Maaari ba na muling maibalik ang aking lisensiya? – Marlon
Dear Marlon,
Ang batas na sumasaklaw tungkol sa inyong katanungan ay ang Republic Act No. 11052 o mas kilala sa tawag na “Philippine Food Technology Act.” Nakasaad sa Section 22 ng batas na:
“Section 22. Reinstatement, Reissuance or Replacement of Certificate of Registration and Professional License. - Two (2) years after the date of revocation, the Board may, upon application and for reasons deemed proper and sufficient, reinstate any revoked certificate of registration and reissue a professional license, and in so doing, may, in its discretion, exempt the applicant from taking another examination.”
(Binigyang-diin)
Ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang food technologist na tinanggalan ng rehistro o lisensiya ng Professional Regulatory Board of Food Technology (Board) ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa Board upang maibalik ang nasabing rehistro o lisensiya makalipas ang dalawang taon mula nang ito ay bawiin o tanggalin. Kaugnay nito, ang Board ay maaaring magpasiya kung ang nasabing aplikante ay hindi na muling isasailalim sa pagsusulit bago mabigyang muli ng rehistro o lisensiya.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments