top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Folayang, kahit naka-4th loss, pero tuloy pa rin ang laban

BULGAR
Aug 16, 2021
1 min read

ni Gerard Arce - @Sports | August 16, 2021



Muli na namang nakalasap ng panibagong pagkabigo ang tinitingalang Filipino MMA fighter na si Eduard “Landslide” Folayang sa kamay naman ng newcomer na si Zhang LiPeng ng China sa main event ng ONE: Battleground II sa pre-recorded card na inere sa Singapore Indoor Stadium nitong Biyernes.


Hindi napigilan ng 36-anyos na dating two-time ONE Lightweight champion ang mga powerful takedowns ng dating UFC fighter at long-time Kunlun Fight titlist para makuha ang unanimous decision victory lalo na sa simula pa lang ng kanilang laban.

Nakuha ng dating three-time Southeast Asian Games gold medalist ang second round sa bisa ng mga magagandang striking skills gamit ang straight leg kicks at kanang suntok upang manatiling buhay ang pag-asa sa laban.


Patuloy sa magandang depensa ang Baguio City native at Team Lakay member sa huling round na ilang beses nasangga ang takedown ng Chinese fighter, ngunit hindi nito naiwasan ang ilang mga solidong suntok at mahalagang takedown sa papatapos na segundo ng laban upang bigyan ng pabor ng mga hurado ang dating mandirigma ng The Ultimate Fighter: China.


“There's some areas where I have not been able to cope with, especially in the first round,” wika ni Folayang na nakuha ang kanyang ika-4th sunod na pagkatalo at anim na talo sa pitong huling laban. “This is not the performance I want to show, it's been tough.”


Sa panig ng 31-anyos mula Beijing, China at tinaguriang “The Warrior”, nakamit nito ang unang panalo sa ONE Championship at may record na 31 panalo sa kabuuang 44 na laban at 11 pagkatalo, kung saan nanaig ito sa pamamagitan ng 9 knockouts at 11 submissions.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page