top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Floating status ng empleyado

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 24, 2021
  • 2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 24, 2021



Dear Chief Acosta,

Namamasukan bilang janitress sa agency ang kapatid ko. May mga pribadong kom­panya na hindi na nag-renew ng kanilang kontrata sa agency, isa na rito ang kompanya kung saan siya naka-assign. Kung kaya naman, sinabihan siya ng agency na pansamantala muna siyang hindi mabibigyan ng duty. Puwede ba iyon? Apat na buwan kasi siyang buntis, hindi ba labag sa batas iyon?– Reena


Dear Reena,

Sa ilalim ng ating batas ay binibigyan ng pagkakataon ang mga pribadong employer na pansamantalang ilagay sa floating status ang kanilang manggagawa kung mayroong lehitimong basehan ang pagsususpende ng kanilang operasyon. Gayunman, ang suspensiyon sa trabaho ng manggagawa na maaapektuhan ay hindi dapat hihigit ng anim na buwan. Para sa inyong kaalaman, malinaw na nakasaad sa Article 301 ng ating Labor Code ang sumusunod:


“ART. 301. [286] When Employment not Deemed Terminated. – The bona-fide suspension of the operation of a business or undertaking for a period not exceeding six (6) months, or the fulfillment by the employee of a military or


civic duty shall not terminate employment. In all such cases, the employer shall reinstate the employee to his former position without loss of seniority rights if he indicates his desire to resume his work not later than one (1) month from the resumption of operations of his employer or from his relief from the military or civic duty.”


Sa sitwasyong nabanggit mo, maaaring ilagay ang iyong kapatid sa pansamantalang floating status kung sadyang nagkaroon ng lehiti­mong pagtigil ang bahagi o buong operasyon ng kanyang pribadong pinagta­trabahuan. Subalit, kina­kai­langang ibalik siya sa kanyang po­sisyon o bigyan siyang muli ng tra­baho sa panahong isinasaad sa batas.


Kaugnay naman sa kanyang sitwasyon na pagiging buntis, hindi namin nakakikitaan sa ngayon ng paglabag sa batas kung siya ay malagay sa floating status kung sad­ya namang mayroong lehitimong dahilan sa pagtigil ng bahagi o buong operasyon ng kanilang kompanya. Magiging mainam na makapag­pre­senta siya ng konkretong katibayan na siya ay hindi binibigyan ng work assignment dahil sa kanyang pagbubuntis upang masabi nang mayroong kasiguruhan na mayroong paglabag sa batas ang kanyang employer. Sa pangkalahatan, naka­saad sa Article 135 ng ating Labor Code ang sumusunod:


2


“ART. 135. [137] Prohibited Acts. – (a) It shall be unlawful for any employer:


(1) To deny any woman employee the benefits provided for in this Chapter or to discharge any woman employed by him for the purpose of preventing her from enjoying any of the benefits provided under this Code;


(2) To discharge such woman on account of her pregnancy, or while on leave or in confinement due to her pregnancy;


(3) To discharge or refuse the admission of such woman upon returning to her work for fear that she may again be pregnant.”


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madarag­dagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page