Flex Fuel na may-ari si Luis, ‘di isinama… EDU, PINANGALANAN ANG 14 GAS STATIONS NA PUWEDENG I-VISITA IGLESIA KASABAY NG PAGDURUSA SA TAAS NG GAS
- BULGAR

- 7 hours ago
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | March 26, 2026

Photo: Edu Manzano - IG
May mga natawa, may pinuri ang humor ni Edu Manzano, at may mga suggestion sa post nito tungkol sa 14 stations na puwedeng puntahan para sa Visita Iglesia ngayong Holy Week.
Si John Arcilla nga, napa-comment ng “Hahaha! Patok ka talaga, my friend.”
Sabi kasi ni Edu, “Bow your heads...
This Holy Week, let’s all take time to feel the pain and sufferings as we visit the 14 stations: Shell, Petron, Caltex, Phoenix, Total, Jetti, Unioil, Galaxy, Uno, Clean Fuel, Eastern Petroleum, Seaoil, Flying V & PTT.”
May nagtanggol kay Edu sa nag-comment na blasphemous ang post niya. Pinatawa lang daw nito ang mga tao sa panahon na mahal ang gas.
Sa gas station daw mapi-feel ang pain at suffering sa bulsa. May mga hindi kasi natuwa sa post na ito ni Edu Manzano.
Laughing emojis naman ang sagot niya sa nagtanong kung bakit hindi kasali ang Flex gas station na co-owned ng anak niyang si Luis Manzano.
ANG daming pumuri sa hard work na ibinigay ni Atasha Muhlach para magkaroon ng fit body na bagay sa pagiging endorser niya ng Century Tuna Superbods. Ipinost nito ang journey niya na nagsimula nang malamang isa siya sa mga endorsers gayung nagpapagaling siya at hindi makalakad dahil nabalian ng three bones sa paa.
Pahayag niya, “I started with what I could control, which was my diet with high protein meals and focusing on healthy foods. Slowly, I worked my way back and began strength training with @arnoldaninion, who I would like to thank for bringing back fitness into my life like no other.
“What felt like a challenge turned into a blessing. It gave me purpose during my recovery and something to strive for. I held onto this blessing and opportunity with so much gratitude because growing up, I would always see Century Tuna ads and promotions, admiring the strength, discipline, and confidence as a brand and family. So being here now and to be part of the Century Tuna family, it truly feels like a pinch-me moment.
“After endless hours in the gym, months of discipline, Century Tuna, and hard work, here we are. Lakas Makasuperbod!”
Karamihan sa mga comments kay Atasha ay she looks amazing. May nanghingi naman ng abs nito dahil litaw na litaw ang six-pack abs niya.
‘Kaaliw ang tanong kung pinaalis nito ang kanyang ribs. May ginawa namang inspirasyon si Atasha at gagayahin daw nila ang hard work at diet nito.
Samantala, may tsikang si Atasha Muhlach ang magbibida sa musical na Annie Batungbakal (AB), bagay na ayaw pang kumpirmahin ni Mr. Vic del Rosario. Abangan na lang daw ang announcement, sa September pa naman ang schedule ng staging nito.
NA-RESCHEDULE ang show ng Sexbomb sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa giyera sa Middle East, pero sunud-sunod pa rin ang kanilang shows sa bansa at sa ibang bansa.
Tama ang sabi ni Sunshine Garcia na marami siyang bookings nang pakiusapan siya ng asawang si Bulacan Vice-Governor (VG) Alex Castro na siya muna ang sumagot sa pang-ulam nila dahil ang suweldo nito ay ibibigay muna sa mga drivers na nahihirapan sa mataas na presyo ng gasolina.
Sa dami ng bookings ng Sexbomb, kahit dalawang buwang sagutin ni Sunshine ang daily gastos sa bahay nila, kayang-kaya nito.
Ang UAE show lang ang hindi muna tuloy, pero tuloy siya sa USA at Australia.
Ang pinaghahandaan ng Sexbomb ngayon ay ang Get, Set Aw! RAWND 6 na naka-schedule sa April 30, 2026 sa SMDC Festival Grounds sa Aseana Ave., Tambo, Parañaque. Last na raw ito (for this year siguro), kaya sa mas malaking venue at mas special ang show na kanilang gagawin.
Pero ang mga fans, walang sawa sa panonood sa Sexbomb. Nagkakaubusan na naman ng tiket online, at kahit nakiusap ang hindi pa nakapanood sa mga nakapanood na pagbigyan naman sila, walang nakikinig. Unahan na lang daw sa pagbili ng tiket, kaya ayun, puksaan na naman para makaiskor ng tiket.
Sabi ni Rochelle Pangilinan, “Last na ‘to” at “Iba ‘to,” kaya kailangan daw mapanood. Lalo tuloy na-excite ang mga Sexbomb fans na mapanood ang last show, lalo na’t lower ang ticket price sa Silver seats.




Comments