top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Fixed pick-up fare sa TNVS, ibinalik ng LTFRB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 20
  • 2 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 20, 2026



TNVS driver

Photo: File



Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Linggo ang muling pagpapatupad ng fixed pick-up fare para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) upang matugunan ang hinaing ng mga driver kaugnay ng tumataas na gastusin sa operasyon.


Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular No. 2025-058, layunin ng polisiya na balansehin ang pangangailangan ng mga TNVS driver at ang mga reklamo ng mga pasahero hinggil sa hindi awtorisado at hindi reguladong paniningil ng pick-up charges.


Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza II, mahalagang mapangalagaan ang kapakanan ng mga commuter, ngunit bahagi rin ng mandato ng ahensya ang pakinggan ang mga suliranin ng sektor ng pampublikong transportasyon.


Sa ilalim ng memorandum, ito ang mga itinakdang fixed pick-up fare:

Hatchback/Subcompact

P24 – hanggang 1 kilometro

P48 – hanggang 2 kilometro

P72 – hanggang 3 kilometro

P96 – hanggang 4 kilometro

P120 – hanggang 5 kilometro

Sedan

P26 – hanggang 1 kilometro

P52 – hanggang 2 kilometro

P78 – hanggang 3 kilometro

P104 – hanggang 4 kilometro

P130 – hanggang 5 kilometro

AUV/SUV

P29 – hanggang 1 kilometro

P58 – hanggang 2 kilometro

P87 – hanggang 3 kilometro

P116 – hanggang 4 kilometro

P145 – hanggang 5 kilometro

Premium

P58 – hanggang 1 kilometro

P116 – hanggang 2 kilometro

P173 – hanggang 3 kilometro

P231 – hanggang 4 kilometro

P289 – hanggang 5 kilometro


Mahigpit ding ipinagbabawal ang paniningil ng pick-up fare lampas sa limang kilometrong radius. Inatasan din ang mga Transportation Network Companies (TNCs) na limitahan sa limang kilometro ang matching radius upang mabawasan ang oras ng paghihintay ng mga pasahero at mapababa ang gastusin ng mga driver sa operasyon.


Binigyang-diin din ng LTFRB na hindi maaaring kaltasan ng anumang komisyon, bahagi, o service fee ng mga TNC ang pick-up fare dahil ito ay nakalaan para sa mga TNVS driver at dapat nilang matanggap nang buo.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page