First time raw sa Encantadia series… RHIAN, TALBOG ANG MGA CO-STARS SA SERYE SA DAMI NG COSTUME
- BULGAR
- May 19
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 19, 2025
Photo: Rhian Ramos - IG
Bagong pasok ang karakter ni Rhian Ramos sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) at kontrabida pa ang role at karakter niyang si Mitena, ang ice queen, pero siya ang may pinakamaraming costumes sa buong cast.
Kuwento nito, “I have so many costumes here. Nu’ng tinanong ko, ‘Ganito ba talaga usually?’ Sabi nila, ‘Hindi. Sa buong history ng Encantadia, ikaw ‘yung pinakamarami naming ginawan ng costumes.’”
Kaya, isa sa mga aabangan ng mga fans ni Rhian at ng Encantadia ang iba’t ibang costumes na kanyang isusuot.
Malalaman din kung bakit kailangan ni Mitena ng maraming costumes at tinalo pa niya ang ibang female cast.
Dagdag pang kuwento ni Rhian, hindi pa man niya nababasa ang script at kahit hindi pa siya nagsisimulang mag-taping, excited na siya.
Aniya, “Sobra akong na-excite. Una, ang tagal ko nang ‘di gumawa ng isang fantaserye. Pangalawa, I always feel like the bad guys have more fun, so I was excited to play a role like this.”
Nang mabasa na ni Rhian ang script at nalaman ang kuwento ni Mitena, lalo siyang na-excite.
“Sobrang ganda naman pala ng kuwento na ‘to — ang lalim, ang emosyonal. Talagang pinag-isipan ‘yung backstory. Para sa akin, naintindihan ko siya agad. I was even more excited to play the role,” ayon pa kay Rhian.
Sa June na ang worldwide premiere ng ECS at excited na ang Encantadiks (tawag sa mga fans ng fantaserye). Naglabasan na ang mga memes at nauuso na uli ang salita ng mga Sang’gre.
Pawis ng aktor sa noo, pinunasan ng aktres…
GALAWAN NINA JULIA AT COCO, PANG-MAG-ASAWA NA
Hindi lang sina Bea Alonzo at Vincent Co ang inabangan ang mga kilos sa naganap na Puregold Convention dahil pati sina Coco Martin at Julia Montes, tinutukan din ang bawat galaw sa event.
Sinundan sila ng mga tao hawak ang kani-kanilang phone at walang tigil ang kakukuha ng larawan.
Kaya nakunan ng larawan nang punasan ni Julia ang pawis sa noo ni Coco. Ang pabirong comment agad ay hindi raw ba kayang punasan ni Coco ang pawis niya sa noo? Wala raw ba itong dalang panyo at kailangan pa ang panyo ni Julia ang gamitin?
Para naman sa iba, gusto lang daw ipakita ni Julia na sa kanya na si Coco at wala nang pag-asa ang ibang girls na agawin pa sa kanya ito. Parang gusto raw sabihin ni Julia na, “Coco is mine.”
Mas marami nga lang ang nagtanggol kay Julia dahil tama lang daw ang ginawa nitong punasan ang pawis ni Coco na nakitang busy sa pagbati sa mga tao na nasa World Trade Center.
Comment pa ng pabor kay Julia, ang ginawa nito ay ginagawa ng mga mag-asawa sa isa’t isa at kapag walang dalang sariling panyo ang isa, kung sino ang may dalang panyo, ‘yun ang gagamitin.
Para naman sa mga fans nina Coco at Julia, humanap lang daw ang mga bashers ng dalawa ng mapupuna at pati pagpunas ni Julia sa pawis sa noo ni Coco ay ginawang isyu. Wala raw ba silang nakitang maganda o positive sa ginawa ni Julia kay Coco?
Anyway, nakitang kausap nina Coco at Julia si Vincent Co na presidente ng Puregold at sa body language, parang matagal na raw magkakilala ang tatlo. Ang pinanghinayangan ng mga netizens, walang photo na magkasama sina Coco, Julia, Vincent at Bea.
No show sa proclamation bilang senador…
KIKO, MAS PINILING KASAMA SI FRANKIE SA GRADUATION
HINANAP namin si Kiko Pangilinan sa mga nanalong senador na ipinroklama noong Sabado. Wala ang nagbabalik sa Senado at nakasulat na hindi ito nakadalo sa proklamasyon dahil dumalo sa graduation ng anak na si Frankie Pangilinan.
Ang sister nitong si Maricel Pangilinan-Arenas ang nag-represent kay Kiko at nag-deliver ng kanyang message. Nakasulat sa message ni Kiko ang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya para manalo.
Marami ang humanga kay Kiko dahil mas pinili nitong maging ama muna bago maging pulitiko. Minsan lang daw mag-graduate si Frankie na nag-aral sa New York City, siya naman ay puwedeng iproklama sa kanyang pagbabalik at solo pa siyang mapo-proclaim.
Sa Instagram (IG) ni Sharon Cuneta, nag-post ito ng photos ni Kiko at ng batang si Frankie. Ngayon, ang larawan ng mag-ama ay sa graduation na ni Frankie, kaya abangan natin.
Comments