First time pa lang nagsama… RHIAN AT JC, NAKA-6 NA TIKIMAN
- BULGAR
- Jul 31
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | July 31, 2025
Image: Rhian Ramos at JC Santos sa Meg and Ryan - IG
Nasagot na ang tanong kung ilan ang kissing scenes nina Rhian Ramos at JC Santos sa Meg & Ryan after watching Pocket Media Films’ movie sa premiere night last Tuesday.
Ang bilang namin ay nasa 5 o 6 ang kissing scenes ng dalawang bida at dalawa roon ang passionate.
Sana, hindi ang kissing scene ang rason ng pagmamadaling paglabas ni Sam Verzosa sa Cinema 3 ng SM Megamall kung saan ginanap ang premiere night.
In fairness, tinapos ni Sam ang movie, hindi na lang hinintay si Rhian, na after the presscon, pinagkaguluhan pa kasama si JC.
Ang first kiss nina Meg (Rhian) at Ryan (JC) ang pinaka-passionate at mahaba at nagtapos sa bed scene.
Napanoood din namin ang eksena ni Rhian na tumakbong almost naked sa gitna ng kalye at isa yata ‘yun sa mga eksena kaya nabigyan ng X rating ang trailer ng movie.
Tama ang entertainment editor naming si Janice Navida sa sinabing ngayon lang uli siya kinilig sa isang rom-com movie dahil na rin sa mga eksenang inilatag ni Director Catherine Camarillo at screenplay ni Gina Marissa Tagasa.
Kilig din ang naramdaman ng mga nanood sa premiere night kaya nagpalakpakan at nag-standing ovation ang mga tao after the screening.
Malakas ang chemistry nina Rhian at JC. May narinig nga kaming humihingi ng another movie from the pair.
Wish nilang ang Pocket Media Films din ang producer at si Direk Catherine ang director.
Sa August 6, 2025 na ang showing ng movie in
cinemas nationwide. R-13 ang rating ng MTRCB sa Meg & Ryan.
Netizens, inggit much… LIPS-TO-LIPS NINA ICE AT LIZA SA MUSEUM SA THAILAND, VIRAL
PINAKILIG nina Ice Seguerra at Liza Diño-Seguerra ang mga nakakita sa photo nilang dalawa na nagli-lips-to-lips sa harap ng isang painting habang nasa
Museum of Contemporary Art sa Bangkok, Thailand nang sila’y magbakasyon.
Puro “Ang sweet” ang mga nabasa naming comments sa nasabing larawan na talaga namang punumpuno ng pagmamahal.
Matanong nga ang dalawa sa PDA nila at sa ibang bansa pa sa mediacon ni Ice today.
Maraming ganap si Ice at ang Fire and Ice Productions nilang dalawa. Isa na rito ang album launch ng bago at all-original album ni Ice na Being Ice on August 8. Released ito ng Star Music at Fire & Ice Music. Kasama sa album ang new compositions na Nand’yan Ka.
Susunod ang two-night concert ni Ice sa Newport Performing Arts Theater sa September 12 and 13, billed Being Ice Live.
On Sept. 12, videoke hits ang kasama sa repertoire, karaoke-inspired ang concert at tinawag na Ice Seguerra: Videoke Hits Live. Birthday bash din ito ni Ice na magpo-42 na sa Sept. 17, kaya masaya.
Sa Sept. 13, the concert is called The Ice Seguerra Experience. Kasama sa repertoire ang mga hit songs at original compositions ni Ice. Ang tawag ni Ice rito ay “a celebration of growth as an artist.”
Para wala kayong ma-miss, panoorin ang dalawang gabi ng concert at sinisigurado nina Ice at Liza na mag-e-enjoy kayo.
Sa first night ng concert, may sing-along at welcome kumanta ang mga game kumanta, kaya go na! Buy your tickets now!
Comments