top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

First time nangyari… SERYE NI COCO, TINALO NG VOLTES V.

Writer: BULGAR
BULGAR
May 13, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See |May 13, 2023


Ang tsika, panay daw ang sipsip at sulsol ng ilang ekstra sa seryeng Batang Quiapo sa actor-director nilang si Coco Martin.


Dahil nga ito sa lumabas na resulta ng ratings sa pilot episode ng Voltes V: Legacy ng GMA-7 na nakatapat ng Batang Quiapo na papunta ang istorya sa bagong kabanata.


Mas nakakuha ng mataas na ratings ang Voltes V: Legacy kesa sa action series ni Coco. Halos lahat kasi ng seryeng pinagbidahan ng actor-director noon ay talagang top-rated kaya siguro nanibago sila sa pangyayaring ito.


Kaya naman, todo-puri ang nasabing grupo ng mga ekstra sa mga ideyang ibinabato ni Coco para sa Batang Quiapo at tinawag pa nga raw na "luma" na ang bagong show na itinapat ng Kapuso Network sa kanila.


At kahit iba ang labanan sa social media hinggil sa viewership, kung saan nangunguna nga ang action series ni Coco, ramdam na ramdam daw ng mga sponsors ang pagkasabik ng mga manonood sa pag-volt-in ng mga bida ng Voltes V: Legacy.


In fact, bonggang-bongga nga ang pagpalo ng sales ng mga merchandising materials ng nasabing fantasy series ng GMA-7.


Ito ang pagpapatunay na talagang kumikita ang Voltes V: Legacy at totoo ngang kinasasabikan ito ng maraming netizens.


Kung ikaw ang producer ng show, siyempre, mas matutuwa ka kapag mabilis bumabalik ang puhunan mo, 'di ba, mga ka-BULGAR?


Ang tanong, masaya kaya si Coco bilang producer din ng Batang Quiapo?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page