First time nagwagi si Eala sa Wimbledon vs. Zarazua
- BULGAR

- 3 days ago
- 1 min read
by Gerard Arce @Sports News | July 2, 2026

Photo: Alex Eala sa Wimbledon - IG
Nakamit ni Filipina tennis champion Alexandra “Alex” Eala ang kauna-unahang panalo sa Wimbledon Open main draw at mailista ang ikalawang usad ng 2nd round sa Grand Slam career matapos dominahin si World No. 75 Renata Zarazua ng Mexico sa 6-1, 6-2, kahapon ng umaga sa opening round ng 2026 Wimbledon Championships na ginaganap sa All England Lawn Tennis and Croquet Club (AELTC) sa London.
Pinatunayan ng 21-anyos na lefty ang puwesto bilang No.29 seed upang makabawi sa dati ring katambal sa women’s doubles na si Zarazua nang matikman ang 3-6, 6-4, 6-3 na pagkabigo sa ITF W100 Cary Tennis Classic sa North Carolina noong 2024 sa singles match.

Photo: Dominado ang pagsisimula ni Alex Eala ng kanyang kampanya sa Wimbledon 2026 nang daigin niya si Renata Zarazua ng Mexico, 6-1, 6-2, sa unang round kahapon ng madaling araw habang ipinagpatuloy ang kahanga-hangang laban sa grass court.
"I'm very happy with my first round," pahayag ni Eala matapos ang laro, na matatandaang maagang napatalsik sa nagdaang edisyon kontra 2024 Wimbledon champion Barbora Krejcikova ng Czech Republic. "I think that I played really well and kept the intensity throughout the whole match, so I'm hoping to keep this momentum going throughout the week."
Nakalinya ring sumabak si Eala sa women’s doubles katambal si Birmingham Classic finalists Nikola Bartunkova ngayon. Nakasisiguro na si Eala ng 126,000 Euro Dollars o P10.2-M na cash prize, gayundin ang 50 pts. sa rankings points sakaling hindi palarin sa 2nd round (round-of-64).





Comments