First time ginawa… BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD
- BULGAR

- 4 hours ago
- 3 min read
ni Rohn Romulo @Run Wild | September 3, 2026

Photo: IG _barbaraforteza
Tulad ng inaasahan, kakaibang Barbie Forteza na napakahusay ang mapapanood sa Saving Cherry (SC) mula sa Regal Entertainment, na showing na ngayon in more than 160 cinemas nationwide.
Ang role niya bilang Cherry ay ang wildest virgin you would ever see.
Pahayag nga ni Barbie, “She is the wildest woman I have ever portrayed to date. Si Cherry, s’ya ‘yung wildest and most freeing.”
Kaya naman, ang laki ng pasasalamat nila kay Direk Ivan Payawal dahil binigyan sila ng buong laya sa kani-kanilang eksena.
Aminado naman si Barbie na kahit siya ay nagulat na kinaya niyang gawin sa movie na i-unleash ang kanyang wild side, na hinding-hindi niya maaaring gawin sa TV series.
Bigay na bigay nga ang aktres at kitang-kita ang husay niya sa pag-arte, kaya talaga namang nagustuhan at kinaaliwan ng mga nakapanood sa star-studded grand premiere night na ginanap sa Gateway 2 Cinema 11 nitong Martes, September 1.
Nagpakitang-gilas din sa pag-arte sina Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio at Sassa Gurl, na mga friends ni Barbie sa SC na nagdagdag ng katatawanan sa pelikula. Panalung-panalo ang pagsuporta nila sa pag-save kay Cherry. Tawang-tawa kami sa ‘washing machine’ at ‘glue’ scene.
Si Khalil Ramos naman ang asawang nag-cheat sa pelikula, na nagsabing huwag sana siyang kamuhian ng mga fans ni Barbie at manonood.
Kasama rin sa cast sina Joey Marquez, JC Alcantara, Kokoy de Santos, Almira Muhlach, Monina Lawrence at introducing si Than Perez, na may kani-kanyang ganap sa movie, lalo na si Kokoy.
Samantala, isa nga sa mga sumuporta kay Barbie sa movie ay si Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Labis-labis nga siyang pinahanga ni Barbie sa ginawa nito sa pelikula. Sa kanyang short interview, after na mapanood ang ilang part ng movie, sey ni Alden, “She’s one of the actresses I look up to in the industry na halos ka-generation ko.”
Pananaw ni Alden, hindi raw nagpe-fail ang aktres na magpakita ng kakaiba sa bawat project na ginagawa.
Pahayag niya, “Dito sa Saving Cherry, kita ko naman ang panibagong range n’ya, like there are certain scenes na puwede ko s’yang i-take ng linear when it comes to acting and how the lines will go, binigyan n’ya ako ng fluctuation, eh.
“So, wala talaga akong masabi kay Barbie. That’s why, you know, very close rin kami. Parang with all the projects she’s been doing ever since that I started to... medyo nagkaroon ng ‘Barbie revolution’ kasi for the longest time.
“Nakaka-proud lang to be able to witness this kind of project landing on her lap. Grateful din ako na kahit paano ay maraming nagtitiwala sa kanya na mga producers.”
Totoo naman ang obserbasyon ni Alden, napakahusay talaga ni Barbie sa pagganap na Cherry, dahil kitang-kita na pinag-aralan at kinarir talaga ang bawat eksena.
Pinaghirapan din ni Barbie ang pag-shift from drama to comedy and for being wild and naughty, kaya mapapapalakpak ka na lang at mapapa-thumbs up!
Pahayag naman ng aktres after ng premiere, “Lahat ng makakapanood ay maiintindihan when I said na, ‘This is the freeing film that I’ve ever done.’ Ito ang pinakanakapagpalaya sa akin sa tipo ng proyekto.
“Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Regal Entertainment at kay Direk Ivan, at sa lahat ng bumubuo at mga aktor na kasama ko rito. Maraming salamat for coming on board and for joining me in this wild ride.”
Bravo, Barbie!
Bida ng I’m Perfect…
SYLVIA, PROUD NA NOMINADONG BEST ACTRESS-ACTOR SA GAWAD URIAN SINA KRYSTEL AT EARL
SOBRANG proud naman ang premyadong aktres-producer na si Sylvia Sanchez dahil nagkamit ng dalawang top category nominations sa 49th Gawad Urian ang I’mPerfect na mula sa Nathan Studios.
Sa kanyang Facebook (FB) post, labis-labis nga ang pasasalamat niya.
“Thank you, Gawad Urian, for this recognition,” sey ni Ibyang.
Aniya, “Malaking bagay sa amin na ma-nominate sina Krystel Go for Best Actress and Earl Amaba for Best Actor. More than inclusion, this is a recognition of their raw talent, hard work, and heart as artists.
“Beyond disability and labels, Krystel and Earl remind us that what truly matters is the talent, passion, and truth they bring to their craft.
“Proud and grateful. Congratulations, Krystel and Earl!”





Comments