First time… BOY, KUMANTA SA UNANG KARANASAN SA BABAE

ni Julie Bonifacio - @Winner | October 26, 2020

Speaking of Ai Ai delas Alas, todo-support ang Comedy Queen sa kanyang manager at "ama" na si Boy Abunda sa kauna-unahan nitong attempt na mag-show sa Kumu app last Saturday.
Temporarily titled The Best Talk, manghang-mangha ang tinaguriang King of Talk sa Kumu community. Sobra siyang naaliw sa mga nagbibigay sa kanya from halu-halu to lechon, korona at anik-anik pa.
Dahil d'yan, Kuya Boy made an unprecedented record sa Kumu bilang show na may pinakamaraming "points."
Bukod kay Ai Ai, may iba pang guests si Kuya Boy sa kanyang show sa Kumu like his ward na si Bianca Gonzales, Ces Drilon, Macoy Dubs as 'Auntie Julie' and Kisses Delavin.
Nakakatuwa ang mga fans ni Kisses kasi maaga pa lang ay nagpaulan na sila ng mga icons sa Kumu for Kuya Boy. Napaka-active pa rin nila kahit 'di masyadong visible si Kisses.
Nalurkey naman si Kisses when Kuya Boy made kuwento about the first girl or lady na naugnay sa buhay niya "romantically."
That was the first time raw na ikinuwento niya ang tungkol sa girl na naging malapit sa kanya bukod sa kanyang ina na si Nanay Lesing Licerna at kanyang nag-iisang kapatid na si Manang Fe Abunda.
Pero wala namam daw nangyari sa kanila nu'ng girl. Instead, naging magkaibigan na lamang sila.
So, for more revelations from Kuya Boy, watch ninyo ulit siya sa kanyang The Best Talk show sa Kumu every Saturday at 9 PM.





Comments