First Pinoy series… SERYE NI ALDEN, KASAMANG IBABAON SA BUWAN
- BULGAR
- Nov 28, 2024
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | Nov. 28, 2024
Back to work agad si Alden Richards pagbalik nila ni Kathryn Bernardo from Los Angeles and Canada. In fact, pagbalik niya, dumalo agad sa pa-block screening ng mayor ng Sta. Rosa, Laguna sa Hello, Love, Again (HLA). Parang walang jet lag ang aktor at game pa ring nakipagkamay sa maraming tao sa SM Mall Sta. Rosa.
Sa dami ng tao, parang premiere night o kaya’y first day opening ng movie, ang lakas ng sigawan at puno ng tao ang bawat level ng mall. Dinumog sina Alden at Sta. Rosa Mayor Arlene Arcillas. Hanggang sa pintuan ng cinema, ang daming tao at walang tigil ang sigawan.
Parang bagong sikat si Alden at parang ngayon lang siya nakilala ng fans kung pagkaguluhan at magsigawan ang tao. Sigurado namang aaminin nito na nakadagdag sa popularity niya ngayon ang box-office success ng HLA.
The next day, after ng block screening, hindi pa rin natulog si Alden, producer mood naman siya dahil tsinek ang progress ng pelikulang Death March (DM) na co-producer siya under his Myriad Entertainment Corporation.
Sey ni Alden, “Watching the first movie edit come to life. Proud moments with my co-producer Marc Clebanoff as we bring this vision to the screen.”
Bida ng movie ang American actor na si Scott Adkins at kasama sa cast si Gabbi Garcia. American din ang director nito at ang ibang cast. Kapag ipinalabas na ang movie, tiyak na kasama si Alden sa magpo-promote at tiyak din na hindi siya pababayaan ng kanyang mga fans.
Isa pang good news sa career ni Alden ay ang pagkakapili sa Pulang Araw (PA) bilang the first Filipino series na ipadadala at ibabaon sa buwan. Magiging part ang Kapuso series sa Lunar Codaex 2025 na ipapadala sa buwan next year. Ang Lunar Codex ay naglalaman ng 3,500 capsules na ibinabaon sa kalupaan ng buwan, maimbak doon by September or October.
ANNE, MAY WAX FIGURE NA SA HK
Si Anne Curtis ang latest Filipina celebrity na may wax figure sa Madame Tussauds Hong Kong. Present si Heart sa unveiling ng kanyang wax figure na kuhang-kuha ang hitsura niya. Nang pagtabihin siya at ang wax figure, hindi agad malalaman kung alin ang real at ang wax figure ng aktres.
Nagkaiba lang sa color ng dress ni Anne dahil ang wax figure niya, white dress ang suot at black dress naman ang suot ng real Anne. Bale, suot ni Anne ang necklace na suot ng kanyang wax figure.
Nakita namin sa video na kasama ni Anne sa Hong Kong sina ABS-CBN big boss Carlo Katigbak at ABS-CBN at Dreamscape boss Rondel Lindayag. Ang sabi, the wax figure will be officially on display starting December 9. Si Anne rin ang first Filipino actress and TV host to be featured sa Madame Tussauds. Nauna nang magkaroon ng wax figure sina Pia Wurtzbach, Catriona Gray, Manny Pacquiao at Lea Salonga.
Hindi talaga maiwasan na pati si Chito Miranda, tanungin tungkol sa kaso ng asawang si Neri Naig-Miranda. Kahit ang post ni Chito tungkol sa Lego figure, may sumingit pa ring comment patungkol kay Neri.
Ipinost ni Chito ang Lego figure at may caption na: “Ang pinaka-cute na Lego figure, kay Migs ‘to (anak nila ni Neri) pero parang gusto ko hingin, eh.”
Walang kinalaman kay Neri ang post, pero mababasa mo ang mga comments na, “What happened to Ms. Neri?” “What happened to wais na misis?” “How true the news about Neri?” “Nasobrahan sa wais.”
May nakisimpatya naman at maganda ang comment ng isang follower ni Chito na grabeng makahusga ang mga tao, kahit hindi pa alam ang buong istorya.
Sey ng isang netizen, “Kung totoo man ang akusasyon sa kanya, I’m pretty sure it was just a mistake, a result of a bad decision. It happens talaga sa negosyo. People make mistakes but it doesn’t mean masamang tao na agad sila. What is important is matuto sa pagkakamali na
‘yun at hindi na maulit.”
Hindi pa ino-off ni Chito ang comment box ng kanyang Instagram (IG), kaya libre pang makapag-comment ang lahat. Bukas pa rin ang comment box ni Neri Naig na sinugod na rin ng mga netizens na karamihan sa comment ay paghuhusga.
Comments