First Pinoy na ka-level ng Air Supply at ni Josh Groban… LEA, PASOK SA 35 CELEBRITIES SA HOLLYWOOD WALK OF FAME
- BULGAR
- 6 days ago
- 3 min read
ni Rohn Romulo @Run Wild | July 4, 2025
Photo: Lea Salonga - IG
Nakatakdang gumawa ng history ang Tony Award-winning Filipino singer-actress na si Lea Salonga.
Kasama si Lea sa Class 2026 ng Hollywood Walk of Fame at siya ang first Filipino celebrity na tatanggap ng naturang parangal sa kategoryang Live Theater and Live Performance, na wala pang date kung kailan.
Pasok nga si Lea sa 35 sikat na personalidad mula sa larangan ng musika, pelikula, telebisyon, at sports entertainment at magkakaroon na ng sariling star sa sikat na landmark sa Los Angeles, California.
After ng successful stint niya sa Miss Saigon (MS), mas nakilala rin si Lea sa pagkanta niya ng mga popular Disney movie theme songs na A Whole New World (Aladdin, 1992) at Reflections (Mulan, 1998).
Mula sa daan-daang nominasyon ay napili nga si Lea.
“Those nominations are gathered and given to an independent committee which consists of former Walk of Famers in all six categories that are honored on the Hollywood Walk of Fame,” pahayag ni Hollywood Chamber of Commerce President and CEO Steve Nissen.
In-announce rin sa social media post ng MIFF na nag-nominate sa ‘International Broadway Diva’, “We’re incredibly proud to share that the Manila International Film Festival had the honour of nominating the one and only Lea Salonga for a star on the Hollywood Walk of Fame — and she’s officially been selected!”
Ibinahagi naman ni Lea ang screenshot ng balitang kasama siya sa 2025–2026 recipients of the Walk of Fame star at binilugan ang kanyang pangalan.
“Just now woke up to this bit of amazing news!!! To the Manila International Filmfest, many thanks for nominating me to be part of the class of 2025–26!” sey pa ni Lea.
Ilan pa sa mga kasama sa listahan ng Hollywood Walk of Fame Class 2026 ay sina Sarah Michelle Gellar, Gordon Ramsay, Demi Moore, Emily Blunt, Timothée Chalamet, Chris Columbus, Marion Cotillard, Rami Malek, Rachel McAdams, Stanley Tucci, Air Supply, Josh Groban, at Shaquille O’Neal.
TULOY na tuloy ang shooting ng newest movie ng Nathan Studios na Im/Perfect na posibleng i-submit nila bilang entry sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December.
Ayon sa Facebook (FB) post ng premyadong aktres at producer na si Sylvia Sanchez,
“I’ll be producing a film — and this time, we’re bringing the entire production home.
“There were so many other possible locations. But my heart knew where it wanted to go. Nasipit, Agusan del Norte (white heart).
“Yes, marami ang nagtatanong: ‘Where is this Nasipit?’ And every time I’m asked, I smile. Because now, I get the chance to show them.”
Pagmamalaki pa ni Ibyang sa bayang sinilangan at kinalakihan, “This town shaped me. I grew up in its quiet streets, surrounded by the warmth of its people — my favorite Nasipitnons. It’s where I first learned the power of storytelling, even before I had the words.
“So this is my way of giving back. Of saying thank you. Of introducing the world to a place that gave me so much.
“See you soon, Nasipit. We’re coming home (clapperboard emoji). Another dream came true — and my heart is full.
“Thank you LORD (praying hands & red heart emoji). Happy morning!”
Samantala, ang Nathan Studios ang pararangalan bilang Rising Producer of the Year sa 8th EDDYS ng SPEEd.
Ang Nathan Studios ang nag-produce ng 50th MMFF entry na Topakk na pinagbidahan ni Cong. Arjo Atayde na nominado naman sa Best Actor category ng EDDYS.
Bukod kay Arjo, nominated din ang movie para sa Best Visual Effects, Best Sound, at Best Original Theme Song.
Ang awards night ng 8th EDDYS ay sa July 20 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.
Ang delayed telecast ay sa Kapamilya Channel at Jeepney TV, at para naman sa global viewers, can catch the show via iWantTFC simula July 27.
This year, marami pang kaabang-abang na projects ang Nathan Studios. Bukod sa local films, may mga nabili rin silang international films.
Inaabangan din namin ang Moonglow kung saan bida rin si Arjo at ang US-based Filipino filmmaker na si Isabel Sandoval, na siya ring nagsulat, nag-edit, at nagdirek ng naturang pelikula, na hopefully maipalabas na rito bago matapos ang taon.
Comments