First Pinay na may star sa Hollywood Walk of Fame… “I’M NOT DONE YET” — LEA

ni Vinia Vivar @Frankly| September 6, 2026

Photo: Lea Salonga - Hollywood Walk of Fame
Isang makasaysayang tagumpay ang katatapos lang itala ni Lea Salonga, hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Nitong Sabado, September 5, 2026 (Philippine time), ang ating Pambansang Broadway Queen ay opisyal nang ginawaran ng kanyang sariling star sa sikat na Hollywood Walk of Fame.
Ang bituin ni Lea ang ika-2,855 star sa Hollywood Walk of Fame. Kabilang siya sa Live Performance category.
Si Lea ang pinakaunang purong Pilipino na nakakuha ng prestihiyosong recognition na ito, kaya naman buong bansa talaga ang nagse-celebrate kasama niya.
Ginanap ang seremonya sa harap ng Pantages Theatre sa Hollywood Boulevard, Los Angeles, California.
Dressed in a stunning purple pantsuit, hinarap ni Lea ang crowd sa Hollywood Boulevard para ibigay ang kanyang acceptance speech. Super-witty at puno ng emosyon ang kanyang mga sinabi.
Sinimulan niya ang kanyang speech by a witty remark.
Aniya, “I have walked down this street many times. I’ve stepped on a lot of famous people, and now people get to step on me, which feels strangely appropriate for show business. I love a full circle moment.”
Kasunod nito ay halos hindi pa rin makapaniwala si Lea na nabigyan siya ng ganito kalaking rekognisyon in her lifetime.
“To see my name here; to know that it will be here forever is something I’m still trying to wrap my head around because long before Hollywood, long before Broadway, there was Manila.
“If you have told 7-year-old Lea Salonga making her stage debut in a production of The King and I in the Philippines that nearly 50 years later, she would be attending on Hollywood Boulevard, in front of this iconic theater, surrounded by so many wonderful friends, family and colleagues, receiving a star on the Walk of Fame, she would have said, ‘Ha? What’s that?’” pahayag niya.
Nagbalik-tanaw din siya sa kanyang pagsisimula sa entertainment industry at espesyal na pinasalamatan ang kanyang inang si Ligaya Salonga na siyang nagpursigi para makapasok siya sa music industry at talagang sinuportahan siya nang todo. Aniya, kung hindi raw dahil sa kanyang nanay ay hindi mangyayari ang lahat ng ito.
Para kay Lea, higit pa sa sarili niyang karangalan ang star na ito—ito ay para sa representasyon ng mga Asyano at umaasa siya na ang kanyang milestone ay magsilbing inspirasyon.
“I hope that someday, a young Filipino kid comes to Hollywood, sees my name, and thinks, maybe I can get here, too,” aniya.
At para sa mga nag-aakalang magpapahinga na siya, nag-iwan si Lea ng assurance sa kanyang mga fans.
“What an extraordinary journey this has been. And the best part is... I’m not done yet,” aniya.
Napakaraming dumayong fans upang saksihan ang milestone na ito ni Lea. Dumalo rin at nagbigay-pugay ang ilan sa mga sikat na international artists tulad nina Ming-Na Wen, Brandy, Darren Criss at H.E.R..
Spotted din sa naturang historic event si Pops Fernandez na lumipad pa ng US para suportahan ang fellow Pinay artist.
‘KALOKA! Ang akala ng marami na totoong beauty pageant, isa palang pelikula!
Ang bongga ng pakulo ng GMA Pictures sa upcoming satire comedy na Red Crown (RC) dahil ang dami nitong napaniwalang totoong beauty pageant ang Queen of the Islands.
Pero kahit pelikula lang at hindi tunay na beauty contest, ang mga faney ay kani-kanya ng manok.
Siyempre pa, ang mga fans nina Sanya Lopez, Shuvee Etrata, Faith da Silva, AZ Martinez, Ashley Ortega at Skye Chua, full-support sa kanilang mga idolo.
Pak na pak din ang pagka-game ng mga Sparkle artists na makipagbardagulan sa mga pageant veterans. Biruin mo, makikipagpuksaan sila sa mga title holders na sina Ahtisa Manalo, Gazini Ganados, MJ Lastimosa, Ara Arida, Michelle Marquez Dee, Herlene Budol, Alethea Ambrosio, atbp..
Excited na nga hindi lang ang pageant fans kundi ang mga filmgoers sa nasabing pelikula.
Say pa nga ng isang netizen, “Behind the scenes already looks exciting! Ready to see who will take the crown.”
Ang Red Crown ay mula sa direksiyon ni Dominic Zapata.





Comments