top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

First BF, pinaiyak daw siya… HEART, UMAMING 13-ANYOS LANG NU’NG 6 NA TAON SILANG NAGSAMA NI JOHN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 5 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 16, 2026



TEKA NGA - HEART, UMAMING 13-ANYOS LANG NU’NG 6 NA TAON SILANG NAGSAMA NI JOHN-IG _johnprats & _iamhearte

Photo: IG _johnprats & _iamhearte



Inamin ni Heart Evangelista na first love niya si John Prats at minsan sa buhay niya ay pinaiyak siya nito.


‘Kaaliw ang guesting ni John sa Heart World (HW) show ni Heart. Hindi kasi nila maiwasang mag-flashback sa panahong sila ang naging magka-love team simula nu’ng 13 years old si Heart hanggang 19 years old na siya.


Inamin ni Heart na pinaiyak siya ni John dahil may pagka-chickboy ito noon at hindi sineryoso ang kanilang relasyon. 


Si Heart ang sobrang in love noon pero binabalewala at hindi raw naa-appreciate ang kanyang mga ginagawa para sa aktor.


Aminado naman si John at nag-sorry kay Heart, kaya nagkaroon ng closure ang kanilang paghihiwalay bilang tambalang Missy at Yuan. 


Nananatiling good friends sina Heart at John. Happy siya sa nakikita niyang changes sa buhay at career ng aktor simula nang magpakasal ito kay Isabel Oli. Ngayon ay tatlo na ang mga anak nina John at Isabel.


Proud din si John sa narating ni Heart, sa kanyang career at pagiging fashion icon. 





Aktres, ‘di komportable… 

BEA AT VINCENT, BIBIGYAN NG SARILING BAHAY NG PAMILYA CO SA COMPOUND NILA, TUMANGGI



MAY ilang malalapit sa pamilya ni Vincent Co ang nagsasabing ang lahat ng kapatid niya na may sarili nang pamilya ay binigyan ng sari-sariling bahay sa family compound ng mga Co. 


Mala-mansion daw sa laki at may swimming pool pa ang kanilang bahay.


Kaya naman, ang kondisyon na kasama raw sa prenup agreement na kailangang tumira nina Bea Alonzo at Vincent sa family house ng mga Co ay hindi nangangahulugang magkakasama sila sa iisang bahay. Bibigyan din sina Bea at Vincent ng hiwalay na bahay, hindi kasama ang mga parents ng future mister, basta nasa iisang compound lang sila.


Ganunpaman, tiyak na hindi rin papayag si Bea sa ganoong setup. Malaki rin naman ang ipinatayong bahay ng aktres at hindi niya ito basta iiwan kahit mag-asawa pa siya ng isang bilyonaryo. 


Nanaisin pa rin ni Bea na kumilos nang malaya sa lugar na komportable siya. Hindi siya puwedeng sumunod sa lumang tradisyon ng Chinese family ni Vincent Co.


So, sino ang kailangang mag-adjust?


Masuwerte si Bea Alonzo sa kanyang career at negosyo. Wish ng kanyang mga fans na suwertehin din siya sa pag-ibig at mapunta sa tamang lalaki at bumuo ng sariling pamilya. 


Iyon na lang naman ang kulang sa kanyang buhay ngayon.





‘Di raw dahil laos na… 

SARAH, HAPING-HAPI KAY MATTEO KAYA PAHINGA SA SHOWBIZ



TINUTUTULAN ng mga loyal fans ang sinasabi ng ilang bashers na laos na raw ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo. Wala na raw kasi siyang mga concerts, shows at pelikula.


Masaya at tahimik ang buhay ngayon ni Sarah G. sa piling ni Matteo Guidicelli. Personal choice niya na mag-lie-low muna sa kanyang career. 


May mga negosyo naman silang itinayo ni Matteo bukod sa kanilang resto business.


Nagtayo rin sila ng sariling management company at recording studio.

Ngayon ay ine-enjoy ni Sarah ang malayang buhay. Matagal din kasi siyang natali sa trabaho bilang breadwinner ng pamilya. 


Bagama’t hindi pa siya lubusang napapatawad ni Mommy Divine Geronimo dahil sa oras at atensiyong inilalaan ni Sarah sa kanyang mister, malinaw na hindi na career ang prayoridad niya ngayon at wala siyang pagsisisi sa buhay na kanyang pinili.


Well, naiintindihan naman ng mga loyal fans ni Sarah ang kanyang desisyon. Nakikita nilang masaya ang Popstar Royalty bilang Mrs. Guidicelli at pinatunayan ni Matteo na deserving siyang piliin ni Sarah.





NAPAPANAHON ang kuwentong ihahatid sa mga viewers ng sitcom na Pepito Manaloto (PM) ngayong Sabado dahil naging isyu ang tungkol sa mana na iiwan ng mga magulang sa kanilang mga anak. Dito iikot ang istorya ng comedy-drama serye.


Magkakaroon ng inggitan sa magkapatid na Chito (played by Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi) tungkol sa kanilang mamanahin sa mga magulang na sina Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.). 


Parang tunay na magkapatid sina Jake at Angel. Sa tagal nilang magkasama sa Pepito Manaloto, naging malapit na sila sa isa’t isa at nagkakatulungan kapag may problema. 


Hindi ang yamang mamanahin ang magpapabago sa kanilang samahan. May aral na ihahatid sa mga viewers ang episode ngayon ng Pepito Manaloto.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page