First Best Child Actor award… JIRO, PURDOY NA, IBINEBENTA NG P500 K KAY BOSS TOYO ANG TROPHY, BINARAT NG P75 K
- BULGAR

- 2 days ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | February 12, 2026

Photo: YT Boss Toyo Production
Nagbentang muli ng acting trophy ang dating child star na si Jiro Manio sa memorabilia collector na si Boss Toyo.
Matatandaang dalawang taon na ang nakalipas nang unang ibenta ni Jiro kay Boss Toyo ang kanyang Gawad Urian Best Actor trophy sa halagang P75,000.
Napanalunan ng aktor ang naturang award noong 2004 sa edad na 12 para sa natatanging performance niya sa pelikulang Magnifico, na ipinalabas noong 2003.
Sa episode ng Boss Toyo Production sa YouTube (YT) channel ni Boss Toyo na may titulong PP Stars Inc. S2 Ep. 60 – Ang Follow-up ni Jiro Manio, muling nagtungo ang former child actor para ibenta naman ang kauna-unahang Best Child Actor trophy niya para sa pelikulang Bagong Buwan (BB).
Aniya, napakahalaga ng first-ever Best Child Actor award dahil bukod sa pagkapanalo niya sa Metro Manila Film Festival (MMFF), nakasama rin siya sa movie nina Cesar Montano at Carlo Aquino.
“Trademark ito ng movie namin noong 2002, ng pelikulang Bagong Buwan. Tungkol sa Muslim at sa Kristiyano. Naggiyera noong 2002. Bata pa ako nito, 8 years old. Kasi ‘yung sa Magnifico, nasa history ‘yan na nanalo ako ng Best Actor, pinakabata. Pero ito ‘yung pinakatumatak sa mga tao kasi pinakaunang award ko,” sabi niya kay Boss Toyo.
Unang presyo na ibinigay ni Jiro para sa naturang trophy ay P500,000.
“Kasi Boss, sa totoo lang, ‘di naman lingid sa kaalaman ng iba, ang tagal kong nawala sa showbiz, ‘di ba? Aminin ko na, naghirap din ako. Nawalan ako ng income, nawalan ako ng business, nawalan ako ng mga contact.
“So hanggang ngayon, bumabawi ako sa recovery ko. Hirap na hirap ako. Guesting tinatanggap ko kahit magkano, basta magka-project lang ako,” lahad ni Jiro Manio.
Kasunod nito, nagkatawaran at nagkasundo sila sa halagang P75,000.
PASABOG at talaga namang marami ang nagulat sa mga ganap sa mundo ng Encantadia.
Matapos ang matapang na pagtanggi ni Terra (Bianca Umali) sa tukso ni Gargan (Tom Rodriguez), tuluyan nang binawian ng buhay si Terra.
Ayon sa mga netizens, “The best fighting scene and death scene Encantadia Chronicles has ever made.”
Dagdag pa ng isang tutok din sa serye, “Gaya ni Sang’gre Amihan, bago s’ya mamatay, inialay n’ya ang kanyang buhay para sa buong Encantadia. Naaawa nga ako kay Terra, ihh, kasi mamamatay s’ya, pero she is the best fighter girl.”
Pahulaan din kung tuluyan na nga bang sasanib si Gaiea (Cassandra Lavarias) habang hawak naman ni Gargan ang kaluluwa ni Terra. Hindi naman matanggap nina Adamus, Flamarra, Deia, at mga Kambal Diwa ang sinapit ni Terra sa kamay ni Gargan.
Samantala, lumalalim ang mga intriga sa Sapiro at Hathoria. Totoo nga bang may mas malaking digmaan na paparating?
‘Yan at marami pang iba ang dapat abangan sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) sa GMA Prime.
NO date, no problem this Valentine’s weekend dahil hatid ng GMA stars ang pagpapakilig at paghahatid-saya sa mga Kapuso sa iba’t ibang regions sa bansa, courtesy of GMA Regional TV.
Bago ang mismong araw ng Valentine’s Day (February 13), maghahandog ng love-filled surprises ang House of Lies (HOL) cast na sina Kris Bernal, Mike Tan, Martin Del Rosario, at Kokoy de Santos sa Kapuso Fiesta para sa HaMaKa Festival 2026 na gaganapin sa Don Hilario Cruz Avenue, Taytay, Rizal at 7 PM. Makakasama pa sa paghahatid ng hindi matatawarang entertainment sina Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix, Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE2.0) ex-housemates Lee Victor at Waynona Collings, pati na rin si Kapuso host Pepita Curtis.
Sa Araw ng mga Puso (February 14) naman, sagot na ng GMA ang ultimate kasiyahan ng mga Kapuso dahil paliliparin nila sa Sarangani sina Sparkle stars Katrina Halili, Jeric Gonzales at Teejay Marquez para maki-join sa selebrasyon ng 22nd Timpuyog Festival.
Abangan sila sa Municipal Kiosk, Municipality of Kiamba, Sarangani Province at 8:30 PM.
Hindi pa nagtatapos d’yan ang pa-Valentine’s gift sa mga Kapuso sa regions dahil sa Linggo (February 15), makikipagkulitan sa Kapuso Float Parade sina Sparkle actress Arra San Agustin, Hating Kapatid (HK) star Vince Maristela, at Kapuso actor Bryce Eusebio. Abangan sila sa Grand Float Parade sa Victoria, Tarlac at 2 PM.








Comments